Matatandaang kamakailan ay kumakalat ang tsismis sa umanoy relasyon nina Vic Sotto at Julia Clarete. Kaya naman itong si Vic Sotto ay nags...
Matatandaang kamakailan ay kumakalat ang tsismis sa umanoy relasyon nina Vic Sotto at Julia Clarete.
Kaya naman itong si Vic Sotto ay nagsalita na tungkol sa nagpapakalat ng fake news sa kanila ni Julia Clarete
Dahil dito ay hindi na napigilan ni Vic Sotto na maglabas ng saloobin sa mga nagpapakalat ng fake news kaugnay sarelasyon umano niya sa aktres at dating co-host sa Eat Bulaga na si Julia Clarete.
Saad sa nagkalat na balita ay nabuntis di umano ni Bossing Vic si Julia kaya idedemanda siya nito.
Sinagot na ni Vic Sotto ang bagay na ito at ayon dito ay hindi niya ito palalampasin.
Hindi man niya direktang sinabi kung ano ang isyu, obvious na ito ang tinutukoy niya nang magsalita siya sa Eat Bulaga!
Sabi niya, “Eto, makinig kayo, hehehe!
"Sa mga… eto ang hugot ko for the day, sa mga nagsa-cyberbully o gumagawa ng fake news, o naninira ng tao sa social media lalo na... o sa ibang paraan...
“Lagi ninyong tandaan na may nasasaktan kayo, at iyan ay pagbabayaran ninyo. Huwag ninyong isipin na dahil pinalalagpas lang ng iba ay mahina o naduduwag.”
Natigil siya sandali na nakaturo, at saka nagpatuloy: “Nakikita kayo. Tandaan ninyo iyan, nakikita kayo, at hindi natin ‘yan palalampasin.
“Darating ang araw na may paglalagyan kayo. Ito ang huli... N'yo!
"Abangan. Abangan n'yo yan. Yung mga nambu-bully o nami-meyk news, abangan niyo. N'yo!”
Nakangiti si Bossing Vic habang nagsasalita na parang pabiro, pero obvious na galit at gigil sa kung sino man ang nagkakalat ng ganitong pekeng balita.
Sumisingit si Jose Manalo ng “tama iyan, Bossing” at ipinagdiinan din ang ang salitang “n'yo.”
Matatandaan kamakailan ay kumakalat ang tsismis na ito at nagbigay na din si Julia ng pahayag niya ukol sa chismis na ito.
Ayon kay Julia ay anak raw niya ang kanyang baby sa Chinese businessman na si Stephen Uy.
Nang magpakasal raw sila ng kanyang foreigner husband na si Garette McDough ay anak na niya si Sebastian.
Sinabi pa ni Julia na nagmana ito sa kanyang genes sa mga nagtatanong kung bakit raw gwapong bata si Sebastian.
Anong masasabi mo tungkol sa sinabing ito ni Vic Sotto? Huwag mag atubiling mag-iwan ng komento.