Viral ngayon ang video ni Nesthy Petceio na umiiyak na humingi ng pasensya sa Publiko.dahil hindi niya umano nasungkit ang Gold Medal sa Ol...
Viral ngayon ang video ni Nesthy Petceio na umiiyak na humingi ng pasensya sa Publiko.dahil hindi niya umano nasungkit ang Gold Medal sa Olympics.
Sa pinakaunang panayam kay Nesthy Petecio mula nang makuha niya ang silver medal sa women's featherweight ng Tokyo 2020 Olympics, hindi nito napigilang maging emosyonal.
"Sobrang blessed ako, sobrang thankful ako kay Lord po kasi hindi niya ako pinabayaan sa taas ng ring, dalawa kami ng kalaban ko."
Ayon kay Petecio ay isang karangalan para sa kanya na maging kinatawan siya ng Pilipinas sa Olympics.
Labis din umano ang kanyang panghihinayag sa hindi pagkakasungkit ng gintong medalya na kanya sanang iaalay sa kanyang mga coach lalo na kay Nolito "Boy" Velasco na kapatid ng isa ring silver medalist sa Olympics sa larangan ng boxing na si Onyok Velasco.
"Iaalay ko sana yung... Gusto ko sanang ialay yung gold kay coach Nolito po," naiiyak na nabanggit ni Nesthy.
Gayunpaman, ginawa pa rin umano ni Nesthy ang lahat ng makakaya niya para maiuwi sana ang ginto subalit napunta pa rin ito sa pambato ng Japan na si Sena Irie.
Narito ang kabuuan ng panayam ni Nesthy :
“Chasing the gold pa rin po tayo. May Paris pa po!”
— Paolo del Rosario (@paodelrosario) August 3, 2021
An emotional Nesthy Petecio says she’s still on a quest to win a Gold for the Philippines and that the journey isn’t over.@OneSportsPHL @CignalTV #SeeUsStronger #Tokyo2020 pic.twitter.com/MsIRO8UNmk
Here is Nesthy Petecio with coach Nolito ‘Boy’ Velasco after the loss.
— Paolo del Rosario (@paodelrosario) August 3, 2021
Petecio wanted to dedicate a Gold to her coaches, especially to Velasco.
Velasco was in the corner for the last #PHI Gold Medal bout, when his brother Onyok took home silver in 1996.
š· MVPSF@OneSportsPHL pic.twitter.com/YZzhWZIsm9