Tuluyan nang bumukod mula sa kanyang ina't kapatid ang panganay ng aktres na si Kris Aquino, bagay na talagang pinag-uusapan online. M...
Tuluyan nang bumukod mula sa kanyang ina't kapatid ang panganay ng aktres na si Kris Aquino, bagay na talagang pinag-uusapan online.
Marami ang napaisip kung bakit nga ba umalis ang anak ni Kris Aquino na si Kuya Josh sa kanyang poder.
Si Josh Aquino ay kilalang anak nina Kris at aktor na si Philip Salvador na may "special needs" .
Labis na malapit si Kris Aquino sa kanyang mga anak na sina Kuya Josh at Bimby kaya naman hindi rin mapigilan ni Kris ang maging malungkot at em0syonal sa ginawang pag-alis ni Josh sa kanyang poder.
Matatandaang nitong May 2021 lang ng ibahagi ng “Queen of All Media” ang malungkot na balita na tuluyan nang aalis sa poder niya ang kanyang panganay na anak.
Kamakailan lang, nagbahagi si Kris ng isang nakaka-touch na mensahe sa kanyang Instagram account.
Ibinahagi ni Kris Aquino ang tunay na dahilan ni Josh kung bakit pinili nitong umalis na sa kanyang poder.
Matapos ang ilang taon ay napagdesisyunan ni Kuya Josh na maging independent na.
Ayon sa kanya, permanente nang maninirahan sa Tarlac ang kanyang panganay na si Josh.
Pinili raw nito sa Tarlac dahil dito rin siya lumaki, at malapit siya sa lola niyang si former president Cory Aquino.
“Namili na si Kuya Josh, gusto na nya talagang tumira sa Alto our family compound in what he calls ‘Lola’s house.’ The 3 of us said our goodbyes yesterday afternoon… Pabalik na kami ni Bimb to our serviced residence while the condo we’ll be leasing is being readied,”pahayag ni Kris.
Dagdag pa nito, nagkaroon rin ng tampuhan si Josh at Bimby at nagtagal ito ng ilang buwan.
Kalaunan ay muling nagkabati ang dalawa.
Ayon kay Kris, paniguradong mami-miss ng kanyang bunso ang kuya nito lalo pa’t mapapalayo na ito sa kanila ngayon.
Anong masasabi mo kaugnay sa usaping ito? Huwag mag atubiling magbigay ng komento.