Hanggang ngayon ay laging trending at pinag uusapan sa social media ang mga hula ng sikat na psychic na si Rudy Baldwin dahil sa ang mga...
Hanggang ngayon ay laging trending at pinag uusapan sa social media ang mga hula ng sikat na psychic na si Rudy Baldwin dahil sa ang mga iba rito ay tila nagkakatotoo.
Nagkatotoo nga ba ? O nagkataon lamang?
Marami sa mga netizens ang naniniwala sa hula niyang ito ngunit marami din ang hindi naniniwala sa mga hulang pinagsasabi ni Rudy Baldwin.
Ang ilang netizens ay binabat1kos ang vision niyang ito.
Isa na rito ang kapamilya aktor na si JC Alcantara na tila ba hindi na niya nagustuhan ang araw-araw na pagbibigay ni Baldwin ng mga negatibong hula.
Talagang hindi na niya mapigilang banatan ang kilalang Psychic na si Rudy Baldwin dahil sa mga negatibong prediksyon nito na ipinagkakalat sa social media.
Araw-araw ay naglalabas ng mga panibagong vision si Rudy Baldwin.
At ngayon ay naglabas na naman ng panibagong vision si Baldwin tungkol sa umanoy panibagong kalamidad at aksidente na kanyang nakikita sa buwang ito.
Kaya naman sa facebook post ni Alcantara, ay binanatan niya si Baldwin.
"Ang dami mo namang nabi-vision araw-araw? Wala ka bang pahinga?"komento ng actor na tila ba hindi na niya nagugustuhan ang mga post ni Baldwin
"Pede bang good news naman!? Rudy Baldwin, yung bungad mo puro bad vision, saka araw-araw wala ka bang pahinga?"sabi pa ni Alcantara