Marami ang nabahala sa kalagayan ngayon ng nakababatang kapatid ni Ivana Alawi na nakikipaglaban sa kanyang sakit. Nauwi sa isang emosyonal...
Marami ang nabahala sa kalagayan ngayon ng nakababatang kapatid ni Ivana Alawi na nakikipaglaban sa kanyang sakit.
Nauwi sa isang emosyonal na celebration ang 17th birthday ni Mona Alawi, ang nakababatang kapatid ni Ivana Alawi.
Sa youtube channel ni Ivana ay dito naibahagi ang kwento na nag-agaw buhay na itong si Mona, dalawang linggo bago ang kanyang kaarawan.
Naibahagi ni Mona ang kanyang naranasan nang magbigay ng birthday wish ang kanyang ina na sana'y tuluyan na itong gumaling sa kanyang karamdaman.
"Sana gumaling na siya talaga... Pagalingin na sana siya ni God. Total Healing for Mona," bungad ng kanilang 'Mama Alawi.'
Ibinahagi ni Mona ang mga pangyayaring inakala raw niyang nananaginip lamang siya. Bumaba raw nang husto ang kanyang sugar na siyang dahilan ng pagbagsak ng kanyang katawan.
Ngunit ang masaklap, pinapanood na raw niya ang kanyang sarili at wala na raw siyang control sa kanya mismong katawan.
"Akala ko nananaginip ako kasi nakikita ko 'yung sarili ko tapos si mom nakayakap siya sa akin, pinipilit niya akong uminom ng sugar"
"Kasi wala kong control sa body ko noon like yung buto ko, hindi ko talaga magalaw kahit daliri ko. Tina-try kong gumalaw pero wala akong control over my body."
"Parang 'yung kaluluwa mo nasa labas na para panoorin mo 'yung sarili mo, 'yun ang nakakakilabot," pahayag ng ina nina Mona.
"Nagulat ako sa kanya, sabi sa'kin ate ni-reject ako ni God, sabi ko hindi pwede hindi ka talaga kukunin," naiiyak na sinabi ni Ivana.
"Na-reject ako, hindi ko pa raw oras, hindi pa raw pwede," paliwanag naman ni Mona.
Marami sa mga netizens naman ang naawa at nalungkot sa kalagayan ngayon ni Mona.
Anong masasabi mo kaugnay sa usaping ito? Huwag mag atubiling mag-iwan ng komento.