--> Viral Ngayon ang Mag-Asawang Ito Matapos Nilang Gawin Ito sa Isang Matandang Pulubi.... | ChikaTime

Viral Ngayon ang Mag-Asawang Ito Matapos Nilang Gawin Ito sa Isang Matandang Pulubi....

  Hindi maiiwasan sa ating paligid na may mga tao o pulubing nagpalaboy-laboy nalang. Bihira na lamang ang mga taong may mga ginintoang puso...

 

Hindi maiiwasan sa ating paligid na may mga tao o pulubing nagpalaboy-laboy nalang.


Bihira na lamang ang mga taong may mga ginintoang puso na tutulong sa mga taong ganito.

Kaya naman labis na hinangaan ng maraming netizens ang ginawa ng mag-asawang ito.


Viral ngayon at talagang humanga ang mga netizens sa mga mag-asawa na nakitang tumulong sa isang matandang pulubi na hubot-hubad sa kalye.


Sakay ng kanilang motorsiklo, nakita diumano ng mag-asawa ang matanda na wala ni anumang suot at tila kinukutsa at pinagtatawanan ng mga taong napapadaan dito.







Batay sa kwento ng mag-asawa ay nakita nila ang pulubi na nakahubad at pinagtatawanan pa ng ilang tao.

"Nung pagbalik po namin saktong nakita ko po si Tatay sa may Caloocan Sports Complex na banda po, nakahubad Nakita ko pinagtatawanan ng mga tao eh.", kwento ni Wilfredo



Kasama ni Wilfredo ang kanyang asawa na si LJ Adop na una diumanong nakakita sa matanda.

Naramdaman umano nila ang pagkaawa sa matandang pulubi kaya hindi sila nagdalawang-isip na tulungan ito kaya binilhan nila ito ng pagkain at damit na maisusuot.


Mabuti na lamang daw ay may malapit na ukay store sa lugar at mabilis silang nakabili ng damit para kay tatay.

"Sinuotan ko siya, kumapit siya sa dalawang balikat ko. Hindi ko na din naisip ‘yung virus virus, naawa kasi ako kay tatay". dagdag ni Wilfredo.


Nang maibahagi ito sa social media ay agad naman itong nag-viral at umani ng papuri sa mga netizens.