Sa kauna-unahang pagkakataon ay binasag ni Juliana Parizcova Segovia ang kanyang katahimikan matapos siyang mareklamo sa programang Raffy T...
Sa kauna-unahang pagkakataon ay binasag ni Juliana Parizcova Segovia ang kanyang katahimikan matapos siyang mareklamo sa programang Raffy Tulfo in Action.
Matatandaang si Juliana ay inireklamo siya ng kanyang kapitbahay na kanyang nakainuman dahil sa umano'y pandudura niya sa nagrereklamong dalaga.
Dito ay sinabi ni Juliana sa kanyang ibinahaging Instagram post, na minsan ay mas pinipili na lamang niyang manahimik dahil napapagod na siyang ipagtanggol ang kanyang sarili ngunit aniya kung mas pinili ng mga tao na husgahan siya kahit hindi pa niya nailalabas ang kanyang panig ay sa tingin niya'y napapanahon nang wag na siyang makialam.
"I refuse to speak up many times towards things that hurt me because im really tired of explaining myself to everyone,so if people still want to crucify me for choosing myself first without hearing my side of story,i guess its about time to not just care at all."