Sa wakas ay nakumpirma na ni Robin Padilla na ang kanyang anak na si Kylie Padilla, at ang kanyang asawang si Aljur Abrenica, ay nagkahiwal...
Sa wakas ay nakumpirma na ni Robin Padilla na ang kanyang anak na si Kylie Padilla, at ang kanyang asawang si Aljur Abrenica, ay nagkahiwalay na.
Si Robin ay nagkaroon ng one-on-one interview sa Kapamilya aktor na si Ogie Diaz. Sa panayam, nagpatuloy si Ogie at tinanong si Robin tungkol sa isyu nina Kylie at Aljur na tuluyan nang hinarap ng aktor.
"Una, walang sinasabi yung anak ko. Kasi yun naman, noon pa, lagi kong tinatanong si Kylie, 'Agrabyado ka ba?'
"O di naman daw, 'Okay lang ako Pa.' Tas ito, tinanong ko rin siya ulit, 'Anak, agrabyado ka ba?' 'Hindi pa, ako nakipaghiwalay eh,” kwento ni Robin
Ayon kay Robin, hindi siya nakikialam sa isyu
"Wala naman papel ang tatay dun. Hindi ka dapat makialam. Away ng mag-asawa yun eh, may mga anak pa. Masakit syempre, sa akin."
Ibinahagi ng aktor na tinawagan talaga siya ni Aljur, subalit, pinili niya itong huwag pansinin at sa halip, nagpadala siya ng mensahe para kay Aljur.
"Tsaka syempre walang sakitang pisikal, ako yun lang naman sinabi ko kay Aljur eh. Kasi tumatawag sa akin si Aljur eh.
"Di ko sinasagot, minessage ko lang siya. Sabi ko, 'Isa lang ang gusto ko, tumigil kayo sa social media, nakakahiya yan.'"
Ibinahagi din ni Robin ang kanyang damdamin sa paghihiwalay ng mga mag-asawa.
"Ako, para sa akin ah, ang dalawang mag-asawa na hindi na nagkasundo. Hindi kayo dapat maghiwalay ng magkaaway. Bakit? Nagmahalan naman kayo.
"Nasarapan naman kayo pareho. Bakit kailangan kayong magkaaway? Dahil yung dahilan, nagtaksil yung isa? "
“Eh tao ka, mangyayari't mangyayari yan. Hindi yan pwedeng hindi mangyari. Kalokohan ang hindi mangyari lalo na't nasa showbiz tayo."
Nang tanungin ni Ogie kung may third party bang involved, sinabi ni Robin na mayroon nga.
"Meron daw eh. Imposible ba yun? Yan ang sinasabi ko kay Kylie, 'Lalaki yan.”
Ayon kay Robin, naintindihan niya ang nangyayari.
"Natural! Sino ang maintindihan ko? Eh lalaki ako," saad nito kung saan nagkomento naman si Ogie
"At nangyari rin sayo yan."
"Ilang beses,"
Robin recalled,
"Kaya lang, hindi na uso yun mga martyr na yun. Sinabi ko nga kay Kylie nung nag-usap kami, 'Lalaki yang asawa mo. Pasalamat ka nga alam mong lalaki eh.' Eh wala, hindi raw niya kaya," kwento ng aktor
Panoorin ang video:
Anong masasabi mo kaugnay nito? Huwag mag atubiling mag-iwan ng komento.