Usap-usapan ngayon sa social media ang nalalapit na pag-alis ng aktres na si Jane de Leon sa seryeng FPJ Ang Probinsyano. Matatandaang Ene...
Usap-usapan ngayon sa social media ang nalalapit na pag-alis ng aktres na si Jane de Leon sa seryeng FPJ Ang Probinsyano.
Matatandaang Enero nitong taon lamang nang sumalang ang aktres sa serye na pinagbibidahan ni Coco Martin. bilang si Pol. Cap. Natalia Mante
Lilipad na sa wakas bilang Darna si Jane De Leon at magsisimula nang mag-taping para sa “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series” ngayong Setyembre,” saad ng ABS-CBN sa inilabas nitong pahayag.
Dahil dito, tinatapos na ni Jane ang mga natitira niyang eksena sa "FPJ's “Ang Probinsyano,” dagdag pa ng Kapamilya network.
Tuloy na tuloy na ang paglipad ni Jane de Leon bilang Pinay superhero na “Darna” dahil magsisimula na ang kanyang paghahanda para sa nalalapit na taping nito ngayong Setyembre.
Inanunsyo na kamakailan ng ABS-CBN ang pag-alis ni Jane de Leon sa long-running Kapamilya action serye na “Ang Probinsyano” upang simulan ang kanyang mga paghahanda para sa “Darna.”