--> Isang Ina, Viral sa Social Media Matapos ang Ginawang ito Para sa Kanyang Anak... | ChikaTime

Isang Ina, Viral sa Social Media Matapos ang Ginawang ito Para sa Kanyang Anak...

   Naging agaw atensyon sa social media ang isang ina matapos niyang gawin ang bagay na ito para sa kanyang anak. Naging viral ang video ng ...

 


 Naging agaw atensyon sa social media ang isang ina matapos niyang gawin ang bagay na ito para sa kanyang anak.

Naging viral ang video ng mag-inang sina Anne Marie at anak nitong si Rheyn Anthony Manzano na nagsasayaw ng 'Folk Dance'. 


Batay sa panayam ay ginawa ito ng ina para ito sa huling 'performance task' umano ng kanyang anak na si Rheyn sa subject na Physical Education (P.E.) 

 

Kwento ng ina na si Anne Marie, hindi umano niya matiis na pabayaan ang anak niyang nasa ikalimang baitang na sa pag-aaral nito lalo na ngayong dumaranas pa rin tayo ng pandemya. 


Kinakailangan kasi ng babae na makakapares ni Rheyn para sa sayaw.

 At hindi naman nagdalawang isip ang ina na samahan ang anak sa video na naipasa naman nila sa tamang oras. 


Makikita din sa video na todo costume din sila upang maipakita na talagang nag-effort sila sa kanilang gawain. 

Talaga namang umani ng papuri si Anne Marie at sinabing masuwerte ang anak nitong si Rheyn dahil sa pagmamahal at suportang ibinubuhos ng ina. 


Panoorin ang video:

 

 

 

Anong masasabi mo kaugnay sa usaping ito? Huwag mag atubiling mag-iwan ng komento.