Talaga namang naging viral online ang pagpa-Tulfo ni Chito Miranda sa kanyang asawang si Neri Naig ukol sa failed relationship. Kamakailan ...
Talaga namang naging viral online ang pagpa-Tulfo ni Chito Miranda sa kanyang asawang si Neri Naig ukol sa failed relationship.
Kamakailan nga lamang ay naging palaisipan sa mga netizens ang palitan ng cryptic post ng mag-asawa.
Makikita kasi natin na kapwa nag-post ang dalawa ng “cryptic messages” sa kanila-kanilang Instagram accounts na tila patungkol sa isang tila gumuguhong relasyon na.
Mababasa natin sa post ni Chito na tila may kinukuwestiyon siya tungkol sa diumano’y pagbabago sa isang samahan.
“Akala ko walang magbabago at sobrang ok na ang lahat…pero bakit parang hindi na tulad ng dati?” tanong ni Chito sa kanyang IG post.
“Bakit may bahong patuloy na sumisira sa pagsasamang nakasanayan natin”
Pakiramdam naman ni Neri, base sa kanyang post, na tila hindi appreciated umano ang kanyang mga efforts.
“Tag ulan na talaga. Maraming pumapasok sa isipan mo kapag ganito ang panahon,” aniya sa IG.
”Minsan napapaisip ka.. kahit ginagawa mo na ang lahat, parang hindi pa rin sapat. May kulang pa ba?”
Dahil sa mga salitang ibinahagi ng mag-asawa sa social media ay may kanya-kanyang hula ang kanilang mga fans o followers kung patungkol ba saan ang ipinost nilang messages sa Instagram.
Hanggang sa umabot pa ang kanilang usapin sa programa ni Raffy Tulfo.
At dito ay napag-alaman na bahagi pala ng isang brand endorsement ang post ng mag-asawa.
Sadayang iba talaga ang pakulo ng mag-asawang Chito at Neri pagdating sa kanilang mga endorsement.
Panoorin ang video:
Anong masasabi mo kaugnay sa usaping ito nina Chito Miranda at Neri? Huwag mag atubiling mag-iwan ng komento.