Talagang marami sa mga netizens ang napawow sa ganda ngayon ni Angel Locsin. Talagang balik alindog ang aktres. Kamakailan lamang ay nagpost...
Talagang marami sa mga netizens ang napawow sa ganda ngayon ni Angel Locsin. Talagang balik alindog ang aktres.
Kamakailan lamang ay nagpost si Angel ng litrato niya sa Instagram. Kung saan makikita ang straight na ayos ng kanyang buhok.
Inakala ng karamihan na throwback photos ito ng aktres dahil sa kanyang caption.
Saad niya dito, “That 2000’s flat iron hair days. Should we bring this look back?”
Pinasalamatan din niya ang kanyang hair stylist na si Celeste Tuviera.
Ngunit nasurpresa ang kanyang mga fans at ilang kaibigan sa industriya na ang nasabing litrato ay kuha din ng araw na iyon.
Sa kanyang Instagram story ay isang video ang kanyang ibinahagi kung saan hindi siya makapaniwala sa kinalabasan ng kanyang hair transformation.
Ultimo ang kanyang fiancee na si Neil Arce ay ayaw ng magtrabaho at nais ng umuwi agad upang siya ay masilayan.
Sa kanyang mga litrato ay makikita na ang resulta ng balik-alindog program ng aktres.