--> Angeline Quinto,Laman sa Social Media Matapos Aminin na Bumili siya ng Sasakyan Para sa Kanyang Nobyo.... | ChikaTime

Angeline Quinto,Laman sa Social Media Matapos Aminin na Bumili siya ng Sasakyan Para sa Kanyang Nobyo....

  Sa kanyang Sagot o Lagot Challenge, nakwento ni Angeline Quinto na nabilhan niya ng motor at kotse ang isa sa naging jowa niya noon.  Nak...

 


Sa kanyang Sagot o Lagot Challenge, nakwento ni Angeline Quinto na nabilhan niya ng motor at kotse ang isa sa naging jowa niya noon.



 Nakwento niya ito matapos madulas tungkol sa pagbibigay niya ng motor. 


Biro pa ni Angeline, baka sa susunod ay bahay na ang maibigay niya.


Natanong sa kanya kung nakapagpautang na ba siya ng kanyang nakarelasyon noon.

 Hindi na niya diretsahang sinagot ito ngunit aniya, alam ng mga naging karelasyon niya na mapagbigay siya. 


Naibahagi din ni Angge na naranasan niyang magbayad ng bill nila ng kanyang ka-date sa isang mamahaling restaurant.


Nagulat na lang siya nang lumapit ang waiter at nagkatinginan sila ng kanyang ka-date na tila nagtatanungan kung sino ang magbabayad. Siya umano ang nagbayad para sa kanilang kinain.

 

Panoorin ang video:


 

 

Anong masasabi mo kaugnay sa usaping ito. Ikaw, anong naibigay mo sa iyong jowa? Huwag mag atubiling mag-iwan ng komento.