--> Tim Sawyer, May bagong Bweltang Ibinunyag Tungkol Kay China Roces na Talagang Usap-Usapan Online... | ChikaTime

Tim Sawyer, May bagong Bweltang Ibinunyag Tungkol Kay China Roces na Talagang Usap-Usapan Online...

   Kamakailan lamang ay nagtrending ang isyu nina Tim Sawyer at China Roces. Naging usap-usapan ang paghahanap ng NBI kay Tim Sawyer kamakai...

 

 Kamakailan lamang ay nagtrending ang isyu nina Tim Sawyer at China Roces.

Naging usap-usapan ang paghahanap ng NBI kay Tim Sawyer kamakailan dahil sa inireklam0 ni China Roces sa kanya.


Kalaunan ay nakapag pyansa na rin si Tim Sawyer.

Ngayon ay usap-usapan ang inihayag ni Tim Sawyer tungkol sa mga pinag gagawa ng kanyang ex-partner na si China Roces.


 Tinawag na “online circus” ng vlogger na si Tim Sawyer ang mga ginaga sa kanya ng dati niyang partner na si China Roces.


 Ibinahagi ni Tim ang isang vlog mula kay Atty. Ranny Randolf B. Libayan kung saan ay nagbigay ito ng opinyon tungkol sa isyu na kinakasangkutan ng dating internet celebrity couple.


“DI TALAGA DAPAT.. SALAMAT SA GUMAWA NG VIDEO NATO PARA MA LIWANAGAN NAMAN MGA TAO ANO TALAGA NANG YARE DITO SA ONLINE CIRCUS NA GINAWA NG EX KO SAKIN.” saad ni Tim Sawyer sa kanyang social media post.


Sa nasabing vlog, pinag usapan ang diumano’y ‘trial by publicity’ na nangyayari sa kas0 ni China at Tim.

 


Ipinakita ni Atty. Libayan ang isang video na diumano’y kuha habang hinahanap ng mga ot0r1dad si Tim sa kanyang tahanan sa Trece Martires, Cavite.


Pinuna ng abogado ang tila publicity na nangyayari sa paghul1 sa vlogger.


“Siguro pag isipan natin, pabor ba kayo na kapag kayo aarestuhin live? Tapos kapag wala kayo at hindi kayo mahanap, ilalabas online, o di kaya ‘yung pictures niyo, ilalabas online,” tanong ni Libayan.


Hindi pabor si Libayan sa ginagawang pagsasapublik0 ng mga kas0 katulad ng kay Tim dahil kawawa din daw ang akusado sa mga nangyayari.

Mungkahi niya ay dapat humingi muna ang media ng permiso sa korte bago nila isa-publiko ang mga nangyayari sa akusad0.



Naniniwala din siya na posibleng masasayang lang din ang resources ng gobyerno kung “drama” lang pala ang lahat ng ginagawa ni Tim at China.


Matatandaan na nag umpisa ang isyu sa pagitan ng dalawa ng mag live si China gamit ang vlog ni Tim kung saan ay makikita sila habang nagtatalo.

 


Kalaunan ay umabot sa programang ‘Raffy Tulfo in Action’ ang nasabing pagtatalo na nauwi naman sa pagkakabati ng dalawa.



Ngunit hindi naging matagumpay ang pagbabalikan ng dalawa kaya humingi muli ng tulong si China sa nasabing programa upang maparusahan si Tim.



Panoorin ang video:

 

 Anong masasabi mo kaugnay sa usaping ito? Huwag mag atubiling mag-iwan ng komento.