Sa wakas ay lumipat na rin ng ibang network ang komedyante ng ABS-CBN na si Pokwang. Agad na naging laman sa social media ang paglipat ni Po...
Sa wakas ay lumipat na rin ng ibang network ang komedyante ng ABS-CBN na si Pokwang.
Agad na naging laman sa social media ang paglipat ni Pokwang.Ngayon ay pumirma na ng kontrata ang komedyanteng si Pokwang sa GMA Artist Center.
Batay sa isang panayam ay inamin ni Pokwang na bago paman ang pandemic at ABSCBN Shutdown ay napagdesisyunan na umano niyang lumipat sa GMA Network.
"Itong desisyon kong ito, pre-pandemic pa and pre doon sa problema sa prangkisa ng ABS.
"Wala pa ito, wala pa iyang mga 'yan, nakaplano na lahat."
Peru hindi raw ito natuloy dahil pinigilan siya ng Kapamilya Network at binigyan ng counter offer na Make it With You na pinagbidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil mula January to March 2020.
"First attempt ko na magpaalam, siyempre, hindi po ako pinayagan.
"Hindi po ako pinayagan and meron naman po silang inilatag sa akin na shows, kaso bigla naman dumating yung pandemic.
"Iyong last show na ginawa ko sa kanila was with LizQuen, iyong Make It With You, iyon po yung huling huli, tapos mayroong regular na gag show na Banana Sundae.
"In all fairness, mayroon pa rin po silang ibibigay na show sa akin, kaya lang, walang-wala."
"Kaso dumating ang dagok sa network ng mawalan ito ng prangkisa dahilan para i release ang mga talents at ito ang naging sign para makalipat na siya. "
"Nagkaroon na po tayo ng mga problema, mga dagok na dumating sa network at sa buong mundo, ang pandemic."
"Since ni-release naman po kami nang maayos, kinausap po kami ng management na wala pong maibibigay sa amin na trabaho, and naunawaan naman po namin siyempre kung ano iyong pinagdadaanan ng network."
"That's the time na, kumbaga, mas naging smooth po iyong paglipat ko."
Nakapagpaalam naman ng maayos si Pokwang sa mga bosses ng Kapamilya para masiguradong wala siyang matatapakan sa kanyang pag alis.
"Siyempre, hindi ganun kadali kasi, kumbaga, may iniiwasan kang bagay na baka makasakit ka.
"So, inayos ko muna ang lahat bago iyong paglipat ko, wala akong tatapakang tao.
“But nangyari nga itong pandemic, dumating pa iyong problema sa prangkisa, kaya nagpatung-patong talaga.”