--> Scripted lang?? KMJS, Inihayag na ang Katotohanan Tungkol sa Kwento ng Batang Nag-Aararo na Nag-Viral ! | ChikaTime

Scripted lang?? KMJS, Inihayag na ang Katotohanan Tungkol sa Kwento ng Batang Nag-Aararo na Nag-Viral !

Kamakailan lang ay nag viral ang kwento ng isang batang nag-aarar0 upang makatulong sa kanyang pamilya. Marami ang kumakalat na balita na um...

Kamakailan lang ay nag viral ang kwento ng isang batang nag-aarar0 upang makatulong sa kanyang pamilya.

Marami ang kumakalat na balita na umano'y isang scripted ang kwento ng batang ito upang makakuha umano ng mataas na rating ang KMJS.


Mariing pinabulaanan ng pamunuan ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ang akusasyong “scripted” umano ang viral story ni Reymark Mariano.
 

Batay sa naging kwento, itinataguyod ng bata ang kabuhayan ng kanilang pamilya sa pamamagitan ng pag-aarar0 sa dalawang ektaryang bukirin.

 

Gamit ang kanyang kabayong si Rabanos, pilit na iginigiya ni Reymark ang ararong may bigat na sampung kilo upang bungkalin ang kanilang sakahan.


Ayon sa panayam sa bata, hindi na niya pinangarap makaangat pa sa buhay dahil ang nais lamang niya ay makakain sila ng tatlong beses sa isang araw.


Lumaki siya sa poder ng kanyang lolo at lola dahil ang kanyang ina ay may ibang asawa na at nakatira sa ibang lugar.


Sa nasabing episode ng KMJS, nagpaabot ng tulong ang show, ang local government, at iba pang ahensiya ng gobyerno sa pamilya ni Reymark.


Dito ay nag-viral sa social media ang istorya ni Reymark, hanggang sa bumuhos na ang tulong sa kanya.

 
 


Ngunit,naglutangan naman ngayon sa Facebook ang iba’t ibang paratang na diumano’y scripted o hindi masyadong totoo ang naipalabas na istorya sa bata.

Kabilang na rito ang komento ng isang netizen na nagsasabing hindi naman daw pinapabayaan ng kanyang ina si Reymark.

Sabi pa nito, hindi naman daw araw-araw nag-aararo si Reymark sa bukid at para sa kanya ay laru-laro lamang ito.

May mga bahagi rin daw ng interview ang hindi inilabas ng show para sa “ratings.”
 

 “Wala daw interview sa mga kapit bahay kasi kung ginawa daw mapapahiya lg sila. Me part daw na nainterview ang Nanay pero na cut kaya daw di buo and 2nd episode na naka air.” saad ng ilang netizen na nagpapakalat na scripted umano ang kwento

 
 

 


sa pamamagitan ng isang official statement, mariing pinabulaanan ng pamunuan ng KMJS ang paratang na “scripted” ang istorya nila.


Nasaksihan daw nila mismo ang mga pangyayari at gawain ng bata noong sila ay nanaliksik, nakisalamuha, at nakipamuhay sa pamilya ni Reymark.



Narito ang buong pahayag ng Kapuso Mo, Jessica Soho:


"Nakarating sa KMJS na may nagpapakalat sa social media na scripted at hindi talaga totoong nag-aararo ang tinampok naming batang si Reymark."


"Base sa pananaliksik, pakikisalamuha at pakikipamuhay ng aming team kina Reymark at sa kanyang pamilya, nasaksihan namin mismo ang paghihirap ng bata sa bukid."


"Hiniling din ni Reymark, na huwag nang idetalye sa segment ang personal na problema sa pagitan ng kanyang mga magulang at patuloy na nakikiusap na wag nang i-bash ang mga ito."



Reaksyon ng ilang Netizens:










 


 

Anong masasabi mo kaugnay sa inihayag na ito? Maari mong ibahagi ang iyong opinyon sa usaping ito.