--> Ogie Diaz, Ikinaw1ndang ng Marami nang Ibinunyag at Nagsalita Ito Tungkol sa Napakalaking Talent Fee ni Bea Alonzo na Hindi Inakala ng Lahat... | ChikaTime

Ogie Diaz, Ikinaw1ndang ng Marami nang Ibinunyag at Nagsalita Ito Tungkol sa Napakalaking Talent Fee ni Bea Alonzo na Hindi Inakala ng Lahat...

  Hanggang ngayon ay mainit na usapin pa rin ang napapabalitang kumalat kamakailan ang tsikang tinanggihan na si Bea Alonzo ng GMA-7 dahil s...

 

Hanggang ngayon ay mainit na usapin pa rin ang napapabalitang kumalat kamakailan ang tsikang tinanggihan na si Bea Alonzo ng GMA-7 dahil sa sobrang taas umano ng hinihingi nitong talent fee.



Hindi umano inakala ng GMA Network na sa kabila ng pandemya at kawalan ng prangkisa ng ABS-CBN ay sobrang taas umano ng hinihinging talent fee ng kampo ni Bea Alonzo.

Ang kumakalat na balitang ito ay kaagad namang itinanggi ng bagong manager niyang si Shirley Quan base sa kuwento ng talent manager at content provider na si Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update .


“Nabalita na gagawa ng teleserye si Bea Alonzo sa GMA-7, pero ang confirmed lang ay gagawa siya ng movie with Alden Richards produced by GMA Films,” kwento ni Ogie.

“Feeling ko hindi ‘yan (dahilan na mataas ang talent fee) tanong muna natin ang kasagutan kung may alok ba kay Bea Alonzo?,” dagdagd pa nito.



“Kaya nagkaroon ng isyu na ang mahal ng tf ni Bea. Mahal daw ang per day niya.”

Tinanong naman ni Mama Loi si Ogie kung magkano nga kaya ang per day ng aktres.

“Kung ako kung ibabase ko sa narating ni Bea sa industriyang ito ‘yung kinalalagyan ni Bea kung nasaan na ba siya ngayon feeling ko kung ako ‘yung manager niya nasa P400-500 thousand per taping day.”



Nanlak1 ang mga mata ni Mama Loi, “What?”

“Abangan natin kung anong masasabi ni Bea diyan kasi ang narinig din natin ay itinanggi ng kampo (manager) ni Bea na sila ay tinanggihan ng GMA,” saad pa ni Ogie.



Tama, hintayin na lang natin kung ano ang magiging official statement ng magkabilang kampo tungkol dito.



Pero marami na talaga ang nag-aabang kung magiging Kapuso na rin si Bea tulad ni John Lloyd Cruz at kung posible nga kaya na magsama sila isang GMA project.

Maging ang mga netizen ay hindi mapigilan na magbigay komento tungkol sa bagay na ito.





Pati si Mama Loi ay nagulat sa taas ng talent fee ni Bea Alonzo. 


Panoorin ang video na ito:



Anong masasabi mo kaugnay sa usaping ito? Huwag mag atubiling mag-iwan ng komento.