Inamin ni Kim Chiu na muntik na palang mag-quit siya noon sa showbiz nang dahil sa isang samp@lan scene na ginawa niya sa kauna-unahan niy...
Inamin ni Kim Chiu na muntik na palang mag-quit siya noon sa showbiz nang dahil sa isang samp@lan scene na ginawa niya sa kauna-unahan niyang teleserye sa ABS-CBN.
Taong 2007, nang makatikim nang malakas na sampal ang aktres na si Kim Chiu sa kanyang co-star na si Glydel Mercado sa isang eksena ng kanyang unang teleserye na “Sana Maulit Muli.”
Pag-amin ni Kim sa kanyang “Truth or Drink” vlog, muntikan na siyang umuwi ng Cebu, dahil dito.
Sa kanyang “Truth or Drink” vlog, isa sa tanong na sinagot niya ay kung nas@mpal na ba siya nang totohanan ng kapwa artista sa mga ginawa niyang proyekto.
“Yes” ang reply ni Kim kasabay nga ng pag-amin na muntik na raw siyang umuwi noon sa Cebu at huwag nang ituloy ang pag-aartista.
“Ay, OK lang. Truth. Glydel Mercado. ‘Sana Maulit Muli’, yung first teleserye ko. Ang sakit talaga (ng sampal) pero du’n ko naman hinugot yung acting ko sa eksenang yun. Kaya okay lang naman,” pagbabahagi ni Kim .
Pagkatapos daw ng kanilang sampalan scene agad daw nagkulong sa kanyang sasakyan si Kim at napaisip nga na iwan na ang showbiz.
Nagsisimula pa lang kasi siya noon sa pag-aartista matapos tanghaling Big Winner sa “PBB Teen Edition” taong 2006 kaya hindi pa siya masyadong sanay sa mga pisikalan na eksena.
Ayon ni KIm, bagamat eksena lang ang s@mpal, napatakbo siya sa kanyang sasakyan at naiyak.
“Tumakbo talaga ako sa kotse ko, nagkulong ako du’n dahil ang sakit talaga. Crayola (umiyak) talaga ako nu’n, gusto ko nang umuwi that time sa Cebu. Buti na lang napigilan ko ang self ko, nagbalik pa ako sa work,” dagdag kwento ni Kim.
Paglilinaw naman ni Kim ay wala siyang sama ng loob kay Glydel.
Dagdag pa niya, dahil sa sak1t ng sampal sa mukha niya nakatulong naman ito na mabigyan ng hustisya ang kanyang karakter.
Panoorin ang video:
Anong masasabi mo kaugnay nito? Mag-iwan lamang ng iyong komento.