Matatandaan natin kamakailan na nagkaroon ng isyu sa pagitan ng VIVA Artist Management at kay Nadine Lustre. Taong 2020 nang magsampa ng ka...
Matatandaan natin kamakailan na nagkaroon ng isyu sa pagitan ng VIVA Artist Management at kay Nadine Lustre.
Taong 2020 nang magsampa ng kaso ang management sa di umano’y paglabag ni Nadine sa kontrata nito matapos itong umalis sa Viva at tumanggap ng ibang proyekto.
Matapos ang ilang buwan ay nagkaroon na rin ng bunga ang kaso ng VIVA Artist Management laban sa aktres na si Nadine Lustre.
Batay sa pananyam ng VIVA, pumirma si Nadine ng 10-year contract sa kanilang management. Sa kabila nito, nagsimula daw i-manage ng aktres ang kanyang sarili at tumanggap di umano ito ng mga proyekto ng walang approval ng VIVA. Sa nakaraang court order, VIVA ang pinanigan ng korte at sinabing binding ang contract nito.
“Petitioner (Viva) has established its unequivocal right arising from the subject Revised Agency and Management Agreement. It has established that respondent (Lustre) contracted with them to act as sole and exclusive manager for respondent’s exercise of profession in the show business.”
Dahil dito, hindi na maaaring sumabak si Nadine sa mga proyekto at endorsements ng walang approval ng VIVA.
Sa kabilang banda, sa kanyang recent interview ay ibinahagi naman ni Nadine na confident siya sa kanyang legal team. Ayon sa aktres, ipapaubaya na lamang niya ang kakahinatnan ng kaso sa kanyang lawyer nasi Attorney Lorna Kapunan.
“Well, Tito Boy, I trust naman, you know, that Attorney Lorna can help me out on this, and I’m just leaving it up to them,” pahayag ni Nadine sa kanyang interview kay Boy Abunda.
Agad namang pinag-uusapan online ang pahayag na ito ni Nadine Lustre.
Ano ang masasabi mo kaugnay sa isyung ito ni Nadine Lustre? Huwag mag atubiling mag-iwan ng komento.