Naging laman ngayon sa social media ang bagong vlog ng celebrity na si Michelle Madrigal na kung saan ay ibinahagi niya sa kanyang social...
Naging laman ngayon sa social media ang bagong vlog ng celebrity na si Michelle Madrigal na kung saan ay ibinahagi niya sa kanyang social media ang kanyang maiitim na nakaraan.
Nagbahagi ng vlog si Michelle Madrigal sa kanyang YouTube channel kung saan siya nagbukas tungkol sa kanyang madilim na nakaraan at kung paano niya ito nalampasan.
Ipinaliwanag ng aktres kung paano ang pagiging nasa showbiz sa murang edad ay nag sanhi ng kanyang trauma, depression, at pagkabalisa.
Nagsimula sa mundo ng entertainment si Michelle sa edad na 15 at ayon sa kanya, napilitan siyang mas mabilis na mag-mature dahil dito.
Bukod dito, nagsimulang maging rebellious si Michelle, engaged in self-destructive behavior at naging mahilig sa pakikipag party para umano hindi niya madama ang sak1t na kanyang dinaramdam.
“I think the way that I coped up with it was through rebellion. Talagang I was such a rebellious kid growing up. Teenage years ko I wasn't taking my artista life seriously. I was really partying almost every single night. As in self-destructive talaga. Why? To numb the pain.”
Nilinaw ni Michelle kahit na hindi siya isang alcoholic ay uminom siya nang higit pa para hindi niya madama ang sakit.
“I guess dealing with that growing up with no outlet, I was really lost. And I think at some point I was depressed I was always always drinking. I was never an alcoholic but every single night kahit pagod ako from work I would just drink because I don't wanna feel that pain.”
Gayunpaman, matagumpay na binago ni Michelle ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagpapasya na baguhin ang sarili. Inalis din niya ang sarili mula sa mga taong humihila sa kanya pababa at napapalibutan ang kanyang sarili ng mga may sapat na gulang at matatag na mga tao upang magsilbing huwaran niya.
"If you guys have been feeling depressed, stressed, or anxious lately, know that your feelings and your emotions are valid. Note that it is normal to feel both emotions and super important to take care of our mental health as it is to take care of our physical health.”
Panoorin ang video:
Anong masasabi mo kaugnay sa usaping ito? Huwag mag atubiling mag-iwan ng komento.