--> Komedyanteng si 'Ate Gay', Umiiyak na Ikuwento sa Publiko ang Ginawa Sa Kanya ng mga Sariling Kapatid... | ChikaTime

Komedyanteng si 'Ate Gay', Umiiyak na Ikuwento sa Publiko ang Ginawa Sa Kanya ng mga Sariling Kapatid...

   Ating matatandaan kamakailan na naging laman sa social media ang kalagayan ngayon ng isang sikat na komedyante na si Ate Gay na kung saan...

 


 Ating matatandaan kamakailan na naging laman sa social media ang kalagayan ngayon ng isang sikat na komedyante na si Ate Gay na kung saan ay nakikipaglaban ito sa kanyang sak1t para mabuhay.

Ngayon naman ay talagang hindi mapigilan na maging emosyonal si Gil Aducal Morales o mas kilala bilang si Ate Gay sa kayangpanayam ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel. 


Ang interview na ito ay isa sa mga unang panayam kay Ate Gay kung saan napag-usapan ang kanyang naging karamdaman at kung paano niya ito nalampasan . 

 Si 'Ate Gay' ay isa sa mga kilalang stand-up comedian sa bansa. Nakilala siya dahil sa husay ng paggaya niya sa Superstar na si Nora Aunor. Isa ring mahusay na singer si Ate Gay na siyang nagpauso ng mga 'mash-up' songs. 

Ngunit,talagang ikinalungk0t ng marami ng mapabalitang may karamdaman pala ito na talagang nilalabanan niya para mabuhay.

Toxic epidermal necrolysis ang dumapong sakit kay Ate Gay kung saan namamalat ang kanyang labi at ilang bahagi ng kanyang katawan.


Maliban pa dito ay nagkakaroon siya ng pneumonia at diabetes. Lahat ito ay kinaya ni Ate Gay sa tulong kanyang gma kapatid. 


Isa raw ito sa mga mahahalagang natutunan niya sa pagkakaroon ng ganoong klase ng karamdaman sa panahon pa ng pandemya. 

Batay sa panayam ay dumating  sa punto na kinakailangan na  lagyan at palitan ng diaper si Ate Gay ng kanyang mga kapatid na nagtutulungan para siya ay maalagaan habang nagpapagaling. 

Katunayan, ang kapatid niyang nasa ibang bansa ang nagbayad ng bill niya sa ospital na labis din niyang ipinagpapasalamat. 


Hindi na nga rin sana siya pinagtatrabaho nito ngunit siya na mismo ang nagsabi na nais pa rin niyang magbigay saya tulad ng dati na niyang ginagawa.


"Naiiyak ako dahil, mahal pala nila ako na hindi ko naramdaman dati 'yun" saad nito

Tila ang kanyang naging karamdaman ang nagbuklod muli sa kanilang pamilya na mas madalas na niyang nakakasama sa ngayon. 



 Reaksyon ng ilang Netizens:







 

Panoorin ang video:

 

Anong masasabi mo kaugnay sa usaping ito? Huwag mag atubiling mag-iwan ng komento.