Matatandaan na sa mga vlogs ni Ivana Alawi ay madalas kasama nito ang kanyang nakakabatang kapatid na si Mona. Kaya marami sa mga netizen...
Matatandaan na sa mga vlogs ni Ivana Alawi ay madalas kasama nito ang kanyang nakakabatang kapatid na si Mona.
Kaya marami sa mga netizens ang nagtaka nang mapanood ang mga vlogs ni Ivana na hindi kasama ang kapatid nito.
Ngayon ay ibinunyag ni Ivana ang dahilan kung bakit hindi niya nakakasama si Mona sa kanyang mga vlogs.
Ipinaliwanag din ni Mona ang lahat na mga pangyayari.
Ibinunyag ni Mona ang kanyang pakikipaglaban sa sakit na Diabetes sa edad na 16.
Marami sa mga netizens ang nagulat dahil sa murang edad ni Mona ay nakikipaglaban na ito sa sak1t na diabetes.
Inilahad nito kung bakit absent siya sa ilang vlog ng actress. Ilang beses na raw siyang dinala sa ospital.
“I’m type one diabetic and for a while, hindi talaga controlled yung sugar ko even though nagtutusok naman kami. Recently, hindi ako okay. Alam mo yung nagkakasakit ako? Nag-start din ako dito sa pump. And then dun umokay na yung sugar ko for the first time in ten years… Kasi dati lagi akong high, 300 or 400. And ngayon, nasa normal na ako which is 90 to 140 ganun…" kwento ni Mona
“Pwede pa sa akin yun kasi nagbibigay naman ng insulin. 120 normal kapag normal ka. Pero 140 kapag sa diabetic, normal yun… After nun, nagkaroon ng problem yung nerves ko kasi nagulat yung katawan ko… Sanay kasi sila sa mataas na sugar. So yung nerves ko, nagulat sila tapos nagkaroon ako ng diabetic neuropathy. Pero I will get better. Hindi naman siya incurable…it will take some time para umokay ako…"dagdag pa nito
Sinabi rin ni Ivana ang ginawa niya nung naospital si Mona.
Ilang beses siya naospital nung pandemic. Tapos alam mo yun, hindi kami, hindi ako makadalaw. Pero isang beses, dumalaw ako. Wala akong pakialam, wala akong trabaho. Tapos nag-PPE ako tapos nagpunta ako dun sa room nila… Kasi ilang beses na siyang na-ospital dati. So ngayon, umookay na,”sabi pa ni Ivana
Reaksyon ng ilang Netizens:
Panoorin ang video:
Anong masasabi mo kaugnay nito? Maari mong ibahagi ang iyong opinyon kaugnay sa usaping ito.