Talagang nag-viral sa social media ang post ng netizen na si Alique Perez kung saan ay hindi lamang larawan kundi video ang ipinakita n...
Talagang nag-viral sa social media ang post ng netizen na si Alique Perez kung saan ay hindi lamang larawan kundi video ang ipinakita nito na "towel" nga ang nai-deliver sa kanila na dapat sana'y "ChickenJoy."
Marami sa mga netizen ang nagbigay ng komento at labis naalarma
ang publiko dahil sa pangyayaring ito.
Naglabas na ng opisyal na pahayag ang Jollibee Foods Corporation kaugnay sa nag-viral na post ng isang customer kung saan napalitan umano ng "fried towel" ang dapat na "fried chicken" na order nila sa Jollibee.
Sa Facebook page ng Jollibee, sinabing agad nilang pinaimbestigahan ang naturang insidente na naganap umano sa kanilang franchised store sa Bonifacio Global City.
"It is unfortunate that deviation's from Jollibee's stantard food preparation procedure occurred on the part of a certain personnel of the store."
Dahil sa pangyayaring ito ay tatlong araw na ipasasara ang Bonifacio-Stop Over branch simula Hunyo 3 upang ma-review at ma-retrain ang team ng naturang store at masigurong hindi na muling mangyari ang nag-viral na insidente.
"Jollibee has carefully developed and complied with food preparation systems to ensure that we deliver excellent quality products and customer satisfaction,” lahad ng kumpanya.
"We at Jollibee are committed to take the necessary steps to maintain the trust and loyalty that our customers have given us thoughout the years."
Reaksyon ng ilang Netizens sa Pangyayaring ito:
Narito naman ang buong pahayag ng Jollibee:
Anong masasabi mo kaugnay sa insidenteng ito? Huwag mag atubiling mag-iwan ng komento.