Naging viral ang intimate interview ni Julia Barretto na ibinahagi sa kanyang youtube channel kasama ang kanyang tatay na si Dennis Padi...
Naging viral ang intimate interview ni Julia Barretto na ibinahagi sa kanyang youtube channel kasama ang kanyang tatay na si Dennis Padilla.
Sa vlog niyang ito, nagkaroong heart-to-heart talk si Julia tungkol sa mga napagdaanan nila ng kanyang ama. Inungkat rin ng aktres ang mga pagsubok na hinarap ng kanyang tatay dati.
Kabilang sa mga tanong ni Julia ay ang kontrobersya sa kasal ni Dennis at ng nanay ni Julia na si Marjorie Barretto.
Sa kanilang one-on-one interview, dito ay talagang tinanong ni Julia ang kanyang amang si Dennis kung ilan ba talaga ang naging asawa nito.
Ang ama niyang si Dennis ay hindi naman nagpaligoy-ligoy nang sagutin niya ang tanong na ito.
“I had my marriage with Nina, but that ceremony was not valid because we had that marriage contract not in front of the pastor. Dinala lang for convenience. Itong pastor na to, after ilang years nahuli dahil illegitimate. So your mom and me, when you were born sabi niya magpapakasal kami,” pahayag ni Dennis.
Nag-open up rin ang beteranong aktor tungkol sa pangyayari na hindi niya inaasahan.
Kwento ni Dennis ay nagkamali raw siya ng pinirmahang dokumento, kung kaya’t napawalang bisa ang kasal nila ni Marjorie.
Taong 2007, sampung-taong gulang na si Julia, nang tuluyang maghiwalay si Dennis at Marjorie.
Ngunit kahit pa nagkahiwalay sila ni Marjorie, aminado naman si Dennis na marami siyang natutunan mula sa kanilang marriage.
Inamin ni Dennis na marami siyang pagkakamali noong mga panahong iyon at hindi niya naisalba ang kanilang pagsasama.
Sa kabila ng lahat, thankful daw si Julia sa malaking pagbabago sa kanyang tatay.
Panoorin ang video:
Anong masasabi mo kaugnay sa usapang ito nina Julia Barretto at amang si Dennis Padilla? Huwag mag atubiling mag-iwan ng komento.