Hanggang ngayon ay pataas ng pataas ang case ng cov1d 19. Kaya naman marami sa mga mamayan ang nagnanais na agad ng mapabakunahan. Isa sa...
Hanggang ngayon ay pataas ng pataas ang case ng cov1d 19. Kaya naman marami sa mga mamayan ang nagnanais na agad ng mapabakunahan.
Isa sa mga isyu ngayon ang pagsisingit ng ilang mga p0litik0 at mga celebrity sa pagpapabakuna ng COVID-19 vaccines.
Kumalat ang chikang diumano’y sumingit si Coco Martin para magpabakuna.
Dahil dito ay hindi maiwasan ng ilang netizens na magkomento sa ginawang ito ni Coco Martin.
Batay sa panayam ay hindi raw agad nakilala si Coco dahil colored ang suot nitong face shield na parang halos itim na at maging ang suot nitong shirt ay black kaya hindi na napansin.
Pero hindi siya nakalusot sa ilang nakapila dahil nakipag-selfie pa raw ang iba sa kanila.
Ma p0litik0 man o sa mundo ng showbiz ay maraming personalidad ang bina-bash dahil sa pagpapaturok ng vaccine.
Sa column ng entertainment writer na si Cristy Fermin sa pahayagang Pilipino Star Ngayon, dito ay isiniwalat niya ang kuwento ng kaniyang source na nakapagpabakuna na umano ang Kapamilya actor at FPJ’s Ang Probinsyano lead star na si Coco Martin.
Ayon sa kaniyang source, “FYI, nagpabakuna na kahapon (Huwebes) si Coco Martin sa Barangay Greater Lagro. Maraming nagagalit at naghihimutok.
“Napakatagal na raw nilang nagpalista at naghihintay na mabakunahan pero inunahan pa sila ni Coco.
“Hindi raw nila alam kung paano napasama si Coco sa A3 o ‘yung may comorbidity o may karamdaman.
“Ang tanong ng mga taga-Barangay Greater Lagro, e, sumingit lang daw ba si Coco o may nagpasingit para mas mauna pa siyang mabakunahan?
“Paano na raw ang mga senior citizen at ang mga PWD na ang tagal-tagal nang naghihintay kung ganiyang naman ang labanan?,” pahayag ng source ni Fermin.
‘Yun ang kuwento tungkol sa pagpapabakuna ng action star. Wala kaming ideya kung anong sakit ni Coco para mapasama siya sa listahan ng mga sakop ng A3.
Talaga namang naging isyu ang nasabing pagsingit diumano ni Coco lalo na nga’t sinasabing hanggang A3 pa lang ang binabakunahan at gustong malaman ng iba kung may comorbidity ba ang aktor dahil wala umano silang alam na sakit nito.
Anong masasabi mo kaugnay sa usaping ito? Huwag mag atubiling mag-iwan ng komento.