Kumpirmadong idineklara ni Bayani Agbayani na ang kanyang Lunch Out Loud ay ang ikalawang pinakamahusay na na-rate na noontime show sa ban...
Kumpirmadong idineklara ni Bayani Agbayani na ang kanyang Lunch Out Loud ay ang ikalawang pinakamahusay na na-rate na noontime show sa bansa.
Eat Bulaga! ng GMA-7, ang It’s Showtime ng Kapamilya Channel at A2Z, Lunch Out Loud ng TV5, at Happy Time ng Net25 ang apat na programa sa noontime ng bansa ngayon.
“Awa naman ng Diyos, after Eat Bulaga, kami na. Ganoon na yung ratings,” saad nito sa isang interview
Walang alinlangang nangunguna pa rin ang Eat Bulaga! sa mga nabanggit na noontime shows, at marami ang naniniwalang pumapangalawa ang It’s Showtime.
Kaya hindi imposibleng may mga kumontra sa deklarasyon ni Bayani Agbayani na Number 2 ang Lunch Out Loud, kung saan isa siya sa mga host.
Ipinagmalaki ni Bayani na kakaiba ang Lunch Out Loud sa lahat ng mga noontime show na sinalihan niya dahil sa sama-sama nilang pagdarasal bago matapos ang kanilang programa.
“Aangkinin ko na po ito. Marami na akong noontime shows na pinagdaanan simula pa sa Channel 7, Channel 2, Channel 5.” Saad pa nito
“Ever since, hindi po ako nakakita ng noontime show na nagdarasal on-air at ‘yon, pumasok lang po yun sa segment namin na dapat nating pasalamatan ang Diyos sa lahat ng blessings na ibinigay sa amin.” Kwento pa
“Kaya bago matapos ang show, kung napanood niyo po, nagdarasal kami sa huling gap ng show.
“Nagpapatawa tayo, tumutulong tayo sa kapwa, hayaan natin ang mga batang nanonood na malaman na dapat pala talagang magdasal lalo na sa panahon ngayon."
“Na ang tanging makakapitan lang natin, e, prayers para sa ating buhay at sa mga mahal natin sa buhay.”
Masaya si Bayani sa kanyang nakamit bilang isang komedyante at artista.
Isiniwalat ni Bayani na nais na niyang subukan ang pagdidirekta para sa isang bagong career challenge.
“May pelikulang nakahanda, sitcoms. May sinabi sa akin ang Cignal TV na may gagawin kami ni Randy Santiago na parang sitcom na Buddy En Sol,” saad nito.