--> Zaijian Jaranilla, Nagnakaw? Hinablot ng Isang Foreigner si Zaijian Matapos Makitang Ginawa Niya Ito... | ChikaTime

Zaijian Jaranilla, Nagnakaw? Hinablot ng Isang Foreigner si Zaijian Matapos Makitang Ginawa Niya Ito...

   Si Zaijian Jaranilla ay isang Pilipinong aktor na kilalang-kilala sa kanyang role bilang ulila na si Santino sa teleseryeng "May Buk...

 

 Si Zaijian Jaranilla ay isang Pilipinong aktor na kilalang-kilala sa kanyang role bilang ulila na si Santino sa teleseryeng "May Bukas Pa" sa taong 2009-2010. Si Zaijian ay naging miyembro din ng pambatang sketch comedy show na Goin 'Bulilit.


Ngayon naman ay muling nag-ingay ang pangalan ni Zaijian sa social media matapos siyang matampok ulit sa isang international project with ABS-CBN.


Sa isang panayam ay naikwento ni Zaijian Jaranilla ang tungkol sa kanyang karanasan bilang bahagi ng American cr1me drama series na “Almost Paradise" Episode 8.

Ayon kay Zaijian ay nailang umano siya makipag-usap sa mga kasamahang foreigner.Bilang isang baguhan ay naiilang siya at naging limitado ang pakikipag-usap niya sa kanyang mga katrabaho. 


Kwento pa niya, nang i-shoot nila ang eksena niya ay isang foreigner ang humablot sa kanya sa pag-aakalang isa siyang tunay na magnanakaw. 

Gayunpaman, agad umanong pinaliwanagan ng mga staff ang foreigner na bahagi lamang iyon ng kanilang shooting. 



“May isang foreigner na hindi kasama sa scene, akala niya nagnakaw talaga ako, so hinatak niya ako. Tapos nag-cut. Chineck ako ng mga staff kung okay lang ba ako tapos in-explain doon sa foreigner na film lang.” 


Sobrang saya ni Zaijian na siya ay napili at naging bahagi ng international project na ito ng ABS-CBN.

Dito ay nagpapasalamat si Zaijian sa mga taong sumusuporta sa kanya.



Jaranilla ay part ng episode ng Almost Paradise titled “Lone Wolf".


 

Panoorin ang video:

 

 

Ikaw, isa kabang fans ni Zaijian? Huwag mag atubiling mag-iwan ng komento.