--> Willie Revillame, Live na Ibinunyag sa Publiko ang Kanyang Sama ng Loob Kay Ai-Ai delas Alas Dahil sa Ginawa Nito ... | ChikaTime

Willie Revillame, Live na Ibinunyag sa Publiko ang Kanyang Sama ng Loob Kay Ai-Ai delas Alas Dahil sa Ginawa Nito ...

   Hindi mapigilan ni Willie Revillame na magbigay ng puna nang sinabi sa kanya ni Ai-Ai delas Alas na huwag nang magtampo sa Wowowin. Naimb...

 

 Hindi mapigilan ni Willie Revillame na magbigay ng puna nang sinabi sa kanya ni Ai-Ai delas Alas na huwag nang magtampo sa Wowowin.


Naimbitahan ni Willie Revillame si Ai-Ai delas Alas sa palabas na Wowowin kasama ang aktres na si Rhian Ramos.




Sa kanyang guesting, ibinahagi ni Ai-Ai na iniisip niya si Willie.


"Iniisip kita dito sa show mo, kaysa yun sa site-taping ko. Halika na, wag ka na magtampo." 


Nang maglaon ay nag-udyok ito kay Willie na magkomento at pag-usapan ang tungkol sa mga taong maaalala lamang siya kapag wala silang magawa.


"Di ako nagtatampo. Kasi ang problema sa inyo, alam niyo ang problema sa mga taong ito, pag walang ginagawa naaalala ka.” pagbubunyag ni Willie


"Pag may mga offer sa iba, may mga offer na pictorial, may mga offer po na ibang ano, ayun, bigla na lang iiwan ka." Kwento pa nito


Saad pa ni Willie sa kanyang show,


"Tandaan niyo, iwan nila ako, di ko kayo iiwan. Ganun ang pagmamahal," 


Agad namang sinagot ito ni Ai-Ai delas Alas na,

"Hoy baka sabihin nila totoo yang sinasabi mo"

Panoorin ang video:

 

 

Anong masasabi mo tungkol sa sinabing ito ni Willie Revillame? Ikaw,may kakilala ka bang tao na maiisip ka lang pag may kailangan sila? Huwag mag atubiling mag-iwan ng komento.