Sa panahon ngayon ay parami ng parami ang mga taong sadyang hindi natin mapagkakatiwalaan. Marami na tayong naririnig na mga balita na m...
Sa panahon ngayon ay parami ng parami ang mga taong sadyang hindi natin mapagkakatiwalaan.
Marami na tayong naririnig na mga balita na may taong na-i-scam, naloko,nadaya,na ghost o inindyan.
Kahit pa ang mga sikat o kilalang tao sa lipunan ay na-ghost na rin ng mga ghoster,
Isa sa mga kilalang Youtuber tulad ni Raffy Tulfo ay hindi pa rin ligtas sa mga ‘ghoster’.
Viral ngayon ang video na kung saan ay kinuwento ni Raffy Tulfo ang nangyari sa kanya noon kung saan hindi siya sinipot ng isang content video creator na paulit-ulit na umanong humiling na makipag-collaborate sa kanya.
Kwento ni Tulfo ay hinanda na nila ang lahat ng kakailanganin para sa gagawin umano ang content ng kanilang vlog ngunit bigla na lamang nag-text ang kampo ng vlogger at sinabing hindi ito makakasipot.
So ayun, matind1ng preparasyon ang ginawa ng kampo ni sir Raffy ngunit hindi lang pala natutuloy.
“Minsan may isang tao, gustong makipag-collab sa’kin… then nagkaroon ako ng time, sabi ko ‘Sige collab tayo,'” kuwento ni Raffy.
“Nag-ready ako, gumawa ako ng malaking preparation ang all, nandoon na ako sa site… and then, last minute [nag-text] yung tauhan, hindi matutuloy,” dagdag sabi ni Tulfo.
Sa video ay inilahad ni Tulfo na isang kaibigan niya ang naturang content creator at hindi pa raw ito nagso-sorry sa kanya.
Pinayuhan naman ni Tulfo ang ilang mga vlogger na huwag lumaki ang kanilang ulo kapag sumikat ito.
Reaksyon ng ilang Netizens:
Panoorin ang video:
Anong masasabi mo kaugnay sa usaping ito? Ikaw, naranasan mo na bang ma indiyan/ghost ng iyong kakilala? Huwag mag atubiling mag-iwan ng komento.