Isang nakakalungk0t na kwento ang ibinahagi ng bride to be sa programa ng Kapuso mo Jessica Soho ang usap-usapan ngayon online. Nag-viral...
Isang nakakalungk0t na kwento ang ibinahagi ng bride to be sa programa ng Kapuso mo Jessica Soho ang usap-usapan ngayon online.
Nag-viral ang post ng isang taong malapit sa babaeng nakatakda sanang ikasal sa kanyang kasintahan sa loob ng labing-isang taon.
Ngunit sa kasamaang palad ay naudlot ang kanilang planong pagpapakasal kahit halos ang lahat ay nakahanda na para sa kanilang pag-iisang dibdib.
Ito ay matapos umanong makarating sa bride-to-be ang tungkol sa kataks1lan ng kanyang fiance na may ibang kasamang babae.
Dahil sa masak1t na pangyayari ay napagpasyahan niyang ibenta na lamang ang lahat ng kanilang binayaran para sa kasal sa mas mababang presyo para lamang maibalik kahit papaano ang mga ginastos.
Narito ang pagbabahagi ng kwento sa Kapuso mo Jessica Soho
ITEMS: BAGSAK PRESYONG WEDDING SUPPLIES
RFS: BRIDE, IPINAGPALIT DIUMANO SA IBA NG KANYANG GROOM
“Ito ‘yung pinakamahirap na trabahong gagawin ko para sa dapat na kasal ni Danica—‘yung pagtulong na mabenta ‘yung mga gamit sa wedding niya.
Kaka-finalize lang ng date ng kasal nila. Pero ‘yung groom, nahuling may kasamang ibang babae!
Nasasaktan ako para kay Danica.
Kaya ako nag-post para matulungan siya na mabawasan ‘yung mga gamit na magpapaalala sa dapat na kasal niya.
Magpakatatag ka, Danica.”
-Junesa
“Mahilig siya sa mga surprise. Nagbibigay ng rose kapag may occasion. Pero sa lahat ng surprise niya, ito ang hindi ko talaga inaasahan!
Nalaman kong meron siyang ibang girlfriend for almost a year!
Meron pala siyang hinaharot na iba! Sobrang sakit. Magtu-twelve years na kami dapat this year. Ikakasal na dapat kami.
May wedding venue na kami. Nakahanda na lahat. Ikakasal na lang talaga kami.
Pero ito ang nangyari.
Sobrang sakit.
Kaya gusto ko na sanang i-dispose lahat ng ‘to. Kaya binenta ko lahat nang mababa ang presyo. Halos 50% na mas mababa sa original price. Para makabawi man lang sa nagastos.
Tulad nu’ng wedding gown, 20,000 ang bili namin. 10,000 ko na lang binebenta.
‘Yung wedding ring, 45,000 pesos ‘yun. Pero pinagbebenta na lang namin sa halagang 26,000.
Nakakaiyak.
More than 10 years ng buhay ko, ibinigay ko sa kanya eh. Sa tagal naming nagkasama, never kong naisip na mambababae siya.
Lagi kong tinatanong ‘yung sarili ko, ‘Ano bang nagawa kong mali?’
Buong-buo ko naman siya minahal.”
-Danica