--> Viral ang Fare matrix ni Manong Driver na Kinaaliwan ngayon ng mga Netizens! | ChikaTime

Viral ang Fare matrix ni Manong Driver na Kinaaliwan ngayon ng mga Netizens!

  Kinagiliwan ngayon online ang fare matrix sa isang dyip dahil sa kakaiba ito. Ang fare matrix ay listahan ito ng aprubadong pasahe ng mga ...

 

Kinagiliwan ngayon online ang fare matrix sa isang dyip dahil sa kakaiba ito. Ang fare matrix ay listahan ito ng aprubadong pasahe ng mga pasahero na ikinakabit ng mga drayber sa sasakyan bilang kanilang gabay.



Malamang ay karaniwan na tayong nakakakita ng fare matrix sa mga pampublikong sasakyan.
Ngayon ay kinagiliwan ang ikinabit na fare matrix sa isang dyip na kung saan ay makikita dito ang iba’t-ibang kategorya ng pamasahe.


Magkakaiba ang pasahe ng senior citizen ,may kapansanan,estudyante,  at regular na pasahero.


Talagang katangi-tangi ang isang drayber na ibinahagi sa social meedia. Mas mahaba kaysa pangkaraniwang listahan ang nakakabit sa dyip na ito ng drayber.


Ayon sa listahan ni manong, kung ikaw ay matatawag na “super sa pagka-senior citizen”, libre na ang iyong pamasahe pati ang mga PWD. Libre ring makasasakay ang mga “bulag na masahista ng Robinsons.”


Ngunit kung ikaw ay single, single na may bahay o taken dahil may boyfriend/girlfriend ka, regular ang iyong babayaran kung saan ito ay Php 9 sa isang sakayan.

 Wala ring diskriminasyon sa itsura dahil mapa-cute man o sakto lang, Php 9 pa rin ang babayaran mo.



 

Subalit mapapamahal ang iyong babayaran kung “chismoso o chismosa” ka at lalo na kapag ikaw ay may trabaho pero illegal dahil P3,745.50 lang naman ang kokolektahin sa ’yo.

 
Ang nakatutuwang listahan na ito ni Manong ay pinag-usapan ng mga netizens.