--> Vice Ganda, Umiyak sa It's Showtime Dahil sa Ginagawa ng Contestant na Ito Sa Kanya... | ChikaTime

Vice Ganda, Umiyak sa It's Showtime Dahil sa Ginagawa ng Contestant na Ito Sa Kanya...

  Hindi mapigilan ni Vice Ganda na umiyak ng marinig at makilala ang tinig ng isa sa mga kumakanta ng TagoKanta sa It's Showtime. Sa se...


 
Hindi mapigilan ni Vice Ganda na umiyak ng marinig at makilala ang tinig ng isa sa mga kumakanta ng TagoKanta sa It's Showtime.



Sa segment ng palabas ng Showtime na Hide and Sing, dito ay nakikitang pinupunasan ni Vice ang  kanyang luha.


Nang tanungin si Vice ng kapwa niya host kung bakit siya umiiyak ay emosyonal na sinabi ni Vice ito:

"I miss you. Na-miss ko na siya." He also added, "Kilalang kilala ko boses niyan 'no. Naloka ako." 





Sa kalaunan ay tinanggal ng mga kalahok ang kanilang mga balabal at dito ay nalaman na si Wilbert Ross ang nasa likuran ng mang-aawit ng TagoKanta # 3.


"Kaya ka pala umalis ng bahay, charot charot ka," saad ni Vice. 


"Kasi diba, sa akin siya nakatira. Tapos biglang umuwi.”


 "Syempre, hindi ko naman siya puwedeng pigilang uuwi siya kung may gagawin siyang mahalaga." 


Matatandaan na ang mang-aawit na si Wilbert Ross ay kamakailan nakitira kina Vice at si Ion Perez .



Ayon kay Vice, medyo namimiss niya at ni Ion si Wilbert


"May mga times na nakikita ko si Ion, wala na siyang ka-basketball, siyempre nasa-sad din ako. So lagi ko siyang naiisip." 


"Balik ka na sa bahay, ha! Umuwi ka na," 


Panoorin ang video na ito:

 

 

Huwag mag-atubiling mag-iwan ng komento.