--> Tunay na Kalagayan Ngayon ng Vlogger na si Zeinab Harake Matapos Manganak,Viral Online | ChikaTime

Tunay na Kalagayan Ngayon ng Vlogger na si Zeinab Harake Matapos Manganak,Viral Online

Usap-usapan ngayon ang youtube sensation na si Zeinab Harake matapos itong manganak. Inamin ni Zeinab na siya ay nakakaranas ng postpartum d...

Usap-usapan ngayon ang youtube sensation na si Zeinab Harake matapos itong manganak.

Inamin ni Zeinab na siya ay nakakaranas ng postpartum depression.


Makikita sa video na ibinahagi sa youtube account ni Zeinab ay sadyang hindi napigilang maiyak ito nang makita at makatabi sa unang pagkakataon ang panganay na anak nila ni Skusta Clee.


Ibinahagi ni Zeinab sa bago niyang vlog ang kanyang pregnancy journey at ang mga kaganapan noong ipanganak na niya si Baby Bia.

Ayon kay Zeinab ay isangkakahalong emosyon ang kanyang naramdaman nang masilayan na ang anak dahil talagang pinangarap daw niya ito kaya nagpapasalamat siya sa Diyos dahil natupad na rin ang kanyang dasal.

“Sobrang lucky kong tao to have Bia, to have my own family. As in pinangarap ko ‘to. Kung meron akong clips na nagsimula na sa pagbubuntis ko, ‘yung mga baliwan moments ko nu’ng buntis ako, ‘yung mga checkups ko. Kasi hindi naman ako nagkulang du’n, ‘yung mga way para alagaan ko si Bia,” sabi ni Zeinab.




Pahayag pa niya, “Lahat ng paghihirap ko du’n sa pagbubuntis, moments ko hanggang sa delivery ko. Lahat ‘yun worth it nu’ng nakita ko si Bia.

“Hanggang ngayon kapag nakikita ko ‘yung picture ng anak ko or kaya hawak ko siya or katabi ko siya, hindi ko talaga mapigilan hindi maiyak sa sobrang saya,” kwento pa nito



Inamin din ni Zeinab na nagkakaroon na rin siya ng postpartum depression dahil hindi pa rin niya mapigilan ang pag-iyak hanggang ngayon.



“Nagulat ako na hanggang ngayon umiiyak ako kasi iyak nga ako nang iyak. Siguro dala na lang din ‘to ng sabi nila pagkapanganak talagang iyakin ka or may postpartum kang tinatawag or ayun nai-stress ako,” dagdag sabi.

“Pero gusto kong magpasalamat unang-una sa Diyos kasi kahit na nahihirapan ako, binigyan niya ako ng isang healthy na bata. ‘Yun naman ang pinaka importante du’n magandang buhay, magandang pamilya. Wala na akong masasabi or mahihiling pa,” sabi pa ni Zeinab.


Sabi pa niya, mahirap man ngunit unti-unti na rin siyang nakakapag-adjust bilang first time mommy, 

“Nakakapanibago lang dito sa bahay. Mag-CR lang ako or kaya matutulog ako, nalulungkot ako. Kasi kailangan nakikita ko siya lagi.”

Ipinahayag din ni Zeinab ang kanyang pasasalamat sa mga sumusuporta sa kanya at sa lahat ng mga panalangin na natanggap niya.



“Hindi ko man masabi na makakagawa pa ako ng mga videos. Ito, dahil kailangan kong magpagaling. Hirap nga. Ang hirap kahit paglalakad ko, hindi ko kaya. Tumawa nga hindi ko kaya. Kasi ang sakit nung tahi ko. Alam naman siguro ng mga CS moms yan. So mahirap talaga siya. Ilalaban ko and lalaban ako kasi meron akong happy pill na Bia.” Saad ni Zeinab 


Panoorin ang video: