Usap-usapan ngayon sa social media ang hidwaan sa pagitan nina Toni Fowler at sa dating karelasyon nito na si Rob Moya. Talagang hindi na ma...
Usap-usapan ngayon sa social media ang hidwaan sa pagitan nina Toni Fowler at sa dating karelasyon nito na si Rob Moya.
Talagang hindi na mapigilan si Toni at humantong na si Toni sa programa ni Raffy Tulfo ang umano'y magulong paghihiwalay nila ni Rob Moya.
Ang mga rebelasyong ito ni Toni ay ikinagulat na rin ni sir Raffy na hindi niya talaga inaasahan ang reklamong ito mula kay Toni.
Matatandaang dumulog na itong si Toni sa Programa ni Raffy Tulfo noon at inireklamo ang netizen na naninira sa kanyang anak na si Tyronia.
Ngayon naman ay dumulog muli si Toni sa 'Wanted sa Radyo' upang tuluyan nang ireklamo ang dating nobyo kaugnay sa ilan pang mga "unsettled business" nito sa kanya.
Isa sa mga reklamo ni Toni ang kanya umanong ATM na hawak ni Rob. Nilinaw niyang sa kanya pa rin naman ito nakapangalan, ngunit dala ng tiwala sa dating nobyo na itinuring niyang "asawa", ipinagkatiwala niya ito rito.
Naikwento pa nga niya na nagugulat na lamang daw siya noon na darating si Rob na nagpapasalamat sa kanya.
Iyon pala, gamit ang kanyang pera, nakabili na ng sasakyan si Rob nang hindi muna isinasangguni sa kanya. Katunayan, apat na sasakyan ni Rob ang sa kanya nakapangalan ngunit pera naman ni Toni ang ginamit niyang pambili ng mga ito.
Kwento ni Toni ay nais din sanang makuha ni Toni ang mga ito.
Isa rin sa mga idinulog ni Toni kay Tulfo ay ang patuloy na pagbanggit pa ni Rob ng pangalan ng kanyang anak na si Tyronia.
Bagaman at hindi naman napapanood ng bata, binalaan na raw kasi ni Toni na huwag nang babanggitin pa ni Rob ang pangalan ng kanyang anak na unti-unti na rin naman daw na nakaka-move on sa pag-alis ng itinuring niyang ama sa loob ng tatlong taon.
Nabanggit pa rin daw kasi ito ni Rob nang minsang inamin niya sa isa sa kanyang mga vlog na nagastos niya ang savings ni Tyronia at inihingi naman na niya ito ng tawad.
Ang mga rebelasyong ito ni Toni ay ikinagulat na rin ni sir Raffy na hindi niya talaga inaasahan ang reklamong ito.
Hindi rin inakala ni Raffy Tulfo ang rebelasy0n ni Toni na namamakla itong si Rob.
"Ang kapal naman ng mukha nitong si Mr.Moya"
"Good luck sa'yo Mr. Moya" ang nabanggit ni Tulfo.
Panoorin ang video:
Anong masasabi mo kaugnay sa isyung ito? Huwag mag atubiling mag-iwan ng komento.