--> Pagbabakuna laban sa COVID-19 ni Mayor Vico Sotto, Inulan ng Maraming K0mento mula sa Netizens Dahil sa Sinabi niyang Ito na Hindi Inaasahan... | ChikaTime

Pagbabakuna laban sa COVID-19 ni Mayor Vico Sotto, Inulan ng Maraming K0mento mula sa Netizens Dahil sa Sinabi niyang Ito na Hindi Inaasahan...

  Si Mayor Vico Sotto ay nakilala bilang anak ng TV host na si Vic Sotto at batikang aktres na si Coney Reyes. Kasalukuyan siyang nanunungku...

 


Si Mayor Vico Sotto ay nakilala bilang anak ng TV host na si Vic Sotto at batikang aktres na si Coney Reyes. Kasalukuyan siyang nanunungkulan bilang Mayor ng Lungsod ng Pasig.


 Ngayon ay umani ng sari-saring komento mula sa mga netizens ang inihayag ni Mayor Sotto na nakapagpabakuna na rin siya laban sa COVID-19.

Kwento nito na siya umano ang ika-57,858 na Pasigueño na nabakunahan at ibinahagi niya ring AstraZeneca ang bakunang ginamit sa kanya.

Marami na rin umano ang nagtatanong kung bakit matagal siyang nagpabakuna kaya naman sinagot niya ang mga katanungang ito.


Dito ay pinaliwanag din niya kung bakit medyo natagalan bago niya napagpasyahang magpabakuna na kahit kabilang siya sa kategoryang A1. Ito ang mga dapat unahin batay sa priority list ng mabibigyan ng vaccine dahil sa kanilang trabaho.

“Ilang linggo na rin akong kinukulit ng Vaccination Team natin na magpabakuna na. Nasa kategoryang A1 ang mga mayor. Gusto ko naman talagang magpabakuna, pero lagi kong naiisip na may mga mas dapat unahin na high risk, katulad ng seniors pero napagtanto ko na ang pagbabakuna ay hindi lang para sa sarili ko, kundi para sa lahat ng nakakasalamuha ko,” saad ni Sotto.

 “Kahit na nag-iingat ako at umiiwas ako sa physical contact, hindi pa rin maiiwasan ang makipag-meeting at bumaba sa ground para sa trabaho.”

Kwento pa niya na lagi niyang naiisip na mayroon pang mas kailangang unahin sa kanya kagaya na lamang ng mga senior citizen.

Gayunpaman, napagpasyahan niyang magpabakuna na matapos niyang mapagtantong hindi lamang para sa sarili niya iyo kundi para din sa lahat ng kanyang nakakasalamuha.

Maliban dito ay ibinahagi niya rin ang brand ng vaccine na naiturok sa kanya. 

 

"Para po sa mga magtatanong, AstraZeneca po ang ginamit sa kin.. hindi na ako nakihati sa dami ng humihingi ng Pfizer - bakit pa?? eh ganun din naman yon... Lahat ng aprubadong brand, nasa 100% ang proteksyon sa severe at bumababa ang tsansa na makapanghawa kung magkasakit man ang nabakunahan na."

"Limitado pa rin po ang supply pero inaasahan natin dadami na ito sa susunod na mga buwan. Kaya habang naghihintay, ihanda na natin ang mga sarili natin. Makinig sa eksperto, at wag sa forwarded message sa viber. Tandaan natin, hindi lang ito para sa mga sarili natin, kundi para sa ating lahat." 
pahayag ni Mayor Sotto

 


 Dahil sa mga pahayag na ito ni Mayor Sotto ay umani ito ng sari-saring komento mula sa mga netizens. Marami rin ang napahanga kay Mayor dahil sa hindi pagiging choosy nito sa brand ng vaccine na itutur0k sa kanya,

 

Reaksyon ng ilang Netizens: