--> Olivia Culpo, Viral Matapos Niyang Aminin at Ibinunyag ang Bagay na Ito Tungkol sa 69th Miss Universe | ChikaTime

Olivia Culpo, Viral Matapos Niyang Aminin at Ibinunyag ang Bagay na Ito Tungkol sa 69th Miss Universe

  Naglabas na ng pahayag si Olivia Culpo kaugnay sa kanyang viral "confused face" photo na kumalat matapos ang kanyang hosting sti...

 

Naglabas na ng pahayag si Olivia Culpo kaugnay sa kanyang viral "confused face" photo na kumalat matapos ang kanyang hosting stint sa 69th Miss Universe. 

Sa unang pagkakataon ay nagsalita ang Miss Universe 2012 na si Olivia Culpo matapos kumalat sa social media ang mga meme tungkol sa kanya.


Si Olivia din ang naging host ng Miss Universe 2021 at madaming netizen ang pinuna ang tila’y lack of energy niya sa nasabing beauty pageant.



Naging viral din ang kanyang "confused face" na larawan na kung saan ay tila para bang nagtataka si Olivia sa naging winner ng Miss Universe.


Sa kanyang Instagram Stories, ibinahagi rin ni Culpo ang naturang larawan kasama ang paliwanag kung bakit tila siya ay naguguluhan sa kanyang binabasa kung saan nakasaad kung sino ang nagwagi sa prestihiyosong beauty pageant. 






"I don’t think I have ever concentrated so hard on reading in my life than when announcing the winner of Miss Universe this weekend. I was so terrified of reading the wrong country" 

Ating matatandaan na noong 2015 ay naging kontrobers1yal ang host na si Steve Harvey matapos siyang magkamali na inanunsyo ang Miss Universe winner.


Ang inanunsyong Miss Universe ni Steve ay ang Miss Colombia na si Ariadna Gutiérrez imbis na ang beauty queen na si Pia Wurtzbach ng Philippines.


 

Kaya naman ngayon dahil sa sobrang pag-iingat na magkamali siya sa pagbabasa ng bansa ng kandidatang nanalo, tila na-misinterpret umano ang kanyang "reading face" na talagang nag-viral ito online. 


"Apparently, I need to work on my reading face and I’m sorry if this was misinterpreted in any type of way" 



Sinabi rin niyang labis lamang siyang nag-concentrate sa kanyang binabasa at wala umanong ibang kahulugan ang kanyang reaksyon. 


Dahil dito ay marami ang gumawa ng memes at caption sa kanyang  larawan.
Hindi din pinalampas ni Olvia ang pagkakataon na magbahagi ng meme tungkol sa kanyang sarili.