--> Ogie Diaz, Napa-Reak sa Kumakalat na Balitang Na-Buntis si Miles Ocampo kay Bimby Aquino | ChikaTime

Ogie Diaz, Napa-Reak sa Kumakalat na Balitang Na-Buntis si Miles Ocampo kay Bimby Aquino

Naging laman na naman sa social media ang anak ni Kris Aquino na si Bimby Aquino Yap na anak ni Kris sa dating asawa, basketball star na si ...



Naging laman na naman sa social media ang anak ni Kris Aquino na si Bimby Aquino Yap na anak ni Kris sa dating asawa, basketball star na si James Yap. Si Bimby ay nag-14 taong gulang lamang noong Abril.


Kumakalat na naman sa social media ang fak3 news tungkol kay Bimby na umano’y nakabuntis ito kay Miles Ocampo.


 

Dahil sa mga fak3 news na ito ay agad na nagsalita at naglabas  ng kanyang saloobin si Ogie Diaz kaugnay sa kumakalat na fake news tungkol kina Bimby at Miles Ocampo.



Sa kanyang “Ogie Diaz Showbiz Update” YouTube account ay mapapanood natin na ibinahagi ni Ogie ang mga fak3 reports na naibahagi sa Youtube na diumanoy binuntis ni Bimby si Miles Ocampo.

 



"Umaagaw lang po ng atension para magkaruon ng maraming views. Bute nalang matatalino ang netizens ngayon. Hindi basta basta naniniwala, hindi gullible. Nakakaloka. Hindi naman tayo sa edad lang para makabuntis, dapat 18 na para makabuntis, hindi."



"Ang nakakaloka, hindi nila kinonsider na si Bimby ay 14 years old lamang at 24 si Miles. Wag kayo basta basta naniniwala lalo na kung puro voice over lang ang nagaganap. May mga videos pero puro imbento po yung mga ginagawa nila."sabi ni Ogie


Maliban pa dito ay nagbigay rin ng mensahe si Ogie sa mga gumagawa ng video para makakuha ng views.

"Utang na luob, yung nabuntis si Miles. Para makagawa lang po tayo ng issue, para lang magkaruon tayo ng views saating YouTube channel. Utang na luob tigilan niyo yan… ang dami diba… kailan kayo hihinto, nakakaloka kayo"

 



Panoorin ang video:

 

 

 Anong masasabi mo kaugnay sa isyung ito? Huwag mag atubiling ibahagi ang iyong komento.