--> Nikko Natividad, Nahuli Nang Kanyang Partner na May Ibang Babae, Usap-usapan Ngayon! | ChikaTime

Nikko Natividad, Nahuli Nang Kanyang Partner na May Ibang Babae, Usap-usapan Ngayon!

     Naging laman sa social media si Nikko Natividan ngayon dahil sa  pag-amin niya sa isang bagay na ito. Matapang na inamin at ibinunyag n...

  

 Naging laman sa social media si Nikko Natividan ngayon dahil sa  pag-amin niya sa isang bagay na ito.

Matapang na inamin at ibinunyag ni Hashtag Nikko Natividad na minsan na siyang nagl0ko sa kaniyang non-showbiz partner na si Cielo Mae Eusebio.

 Naging bukas si Nikko Natividad na aminin ang tungkol sa naging pagsubok na kinaharap nila noon ni Cielo nang maimbitahan ito sa
morning talk show ng kapamilya network na Magandang Buhay.


"Hindi na ako magsisinungaling. Inamin ko 'yun sa vlog namin na TikTok. Nagl0ko ako sa kaniya isang beses. At sabi ko nga, nagpapasalamat ako sa Diyos na 'yung unang paglol0ko ko sa kaniya, nahul1 niya agad ako. Buti pala nahul1 niya agad ako. Kasi kung hindi niya ako nahul1, uulit ulitin ko 'to eh. 'Di ba? Dahil na-try mo na eh." saad niya



 "Inamin ko sa kaniya. Sabi ko, nagkamali ako. Buti na lang, maaga pa lang nagkamali na ako. Naitama ko agad. Pinatawad niya ako. Parang sabi niya huwag mo nang ulitin kasi lahat ng pag-aawayan natin mapag-uusapan, pero kapag may pumasok na na ibang tao, 'di na raw niya kakayanin." kwento pa nito


 "Sobrang basic niya pero malalim 'yun 'di ba. Ako hindi ako nagbubuhat ng bangko. Lalo sa celebrity, may mga babae diyan na pumapatol sa lalaki kahit alam nilang may karelasyon. Maraming nagme-message po na, okay lang kahit may asawa ka, may girlfriend ka, kahit tago. Sabi ko, labanan lang ng focus 'yan. 'Wag magpapa-tukso. 'Yun lang po talaga, at siyempre takot sa Diyos," sabi ni Nikko







Panoorin ang video para iba pang rebelasy0n:

 

 Anong masasabi mo kaugnay sa sinabing ito ni hashtag Nikko Natividad? Huwag mag atubiling mag-iwan ng komento.