--> Netizens, Napaluha sa Emosyonal na Pagkikita ng Komedyanteng si Jobert at ng kanyang Tunay na Ina Matapos ang 50 Years | ChikaTime

Netizens, Napaluha sa Emosyonal na Pagkikita ng Komedyanteng si Jobert at ng kanyang Tunay na Ina Matapos ang 50 Years

  Naging emosyonal ang komedyanteng si Jobert Austria sa muli nilang pagkikita ng kanyang biological mother na si Armanda Villanueva  matapo...

 

Naging emosyonal ang komedyanteng si Jobert Austria sa muli nilang pagkikita ng kanyang biological mother na si Armanda Villanueva  matapos ang halos limang dekada..

Si Jobert ay pinaampon raw ng kanyang ina noong siya ay baby pa lamang 50 years na ang nakaraan.



 

Inamin rin ni Jobert na nasaktan siya sa ginawa ng kanyang magulang peru pinatawad na niya ito at masaya siya dahil nagkita na silang muli.

"Itong araw na ito ang pinakaimportante sa akin dahil kikitain ko ang nanay ko—ang totoong nanay ni Kuya Jobert. Ilang taon kaming hindi nagkita ng nanay ko."


"Nagpapasalamat ako sa Diyos kasi nabigyan ako ng pagkakataon na makita ang nanay ko, ang totoong nanay ko. Mayakap, mahalikan, matanong yung mga bagay na gusto kong tanungin mula nung bata pa ako hanggang ngayon na tumanda na ako."





"Diko alam kung anong mararamdaman ko. Medyo kinakabahan ako. Medyo masaya ako. Medyo may tampo pa rin ako, di ba, kasi marami akong tanong. Pero nagpapasalamat ako sa Diyos kasi ito na yung araw nahinihiling ko. Pinagkaloob na Niya sa akin. "



 

"Isipin mo, 50 years old na ako. Ilang taon din akong nagtampo doon, eh. Hindi n’yo pala malalampasan yung nakaraan n’yo. Hindi kayo makaka-move on hangga’t hindi n’yo naaayos yung relationship n’yo kahit kanino lalo na yung mabibigat sa buhay n’yo. Maaapektuhan talaga yung future niyo," Sabi ni Jobert

Ayon pa kay Jobert ay wala naman daw talaga sa plano n’ya na hanapin pa ang kanyang tunay na ina. 

Kwento pa nito na biglang naisipan n’ya lang daw itong gawin matapos may isang netizen na nagngangalang Jeremi Minorca na nag message sa Facebook umano niya at sinabi umano nito na matagal na daw s’yang hinahanap ng nanay n’ya. 


Saad pa ni Jobert ay sinabihan daw niya ang sender na magpadala ng picture ng kanyang totoong ina. Doon na daw s’ya naiyak nang makita ang photo nito.

“Kamukha ko din, e. Lagyan mo lang ako ng wig na kulot tsaka salamin, nanay ko na ako,” saad nito



 Reaksyon ng ilang Netizens:







Panoorin ang video: