Naging laman naman ngayon sa social media ang isang madamdaming mensahe ni LJ Reyes sa kanyang karelasyon na si Paolo Contis. Marami sa m...
Naging laman naman ngayon sa social media ang isang madamdaming mensahe ni LJ Reyes sa kanyang karelasyon na si Paolo Contis.
Marami sa mga netizens ang napareak sa mga inihayag ng aktres kaugnay nito. Hindi inakala ng marami na si Paolo ay ganito pala kina LJ Reyes.
Sa isang press conference, dito ay pinasalamatan ng aktres ang kapareha na si Paolo Contis dahil sa mga sakripisyong ginagawa nito para sa kanilang mag-ina.
Sobra ang saya at pasasalamat ni LJ na si Paolo ang nahanap niyang kapareha sa kanyang buhay.
"I have so much gratitude for Pao. He has sacrificed so much. I realized that he would shield us from anything," saad nito
Ayon pa sa report ng GMA ay Inihayag niya na si Paolo ay madalas namagboboluntaryong bumili ng mga groseri, at gumawa ng iba pang mga gawain sa labas, upang maprotektahan siya at ang kanilang mga anak na ma exposed sa virus.
“Slowly bumabalik to work.
Lagi niya sinasabi, ‘you can stay at home. You have a choice.’ And
importante sa ’tin ’yun na meron kaming choice. Hindi ka parang walang
choice, kailangan ko i-risk pero iisipin mo din mga bata. Isasabay mo
para maka-provide ka rin,” saad nito.
"Nawala din sa ’kin before. Ngayon sobrang na-appreciate ko na mayroon akong katuwang ... talagang shinield niya kami para walang magkasakit,"
[I lost that before. Now I really appreciate having a partner … he’s really our shield so we wouldn’t get sick.]
Marami sa mga netizens ang napabilib at humanga kay Paolo dahil sa mga ibinunyag na ito ni LJ.
Ayon ng ilang netizens na talagang makikita sa mga mata ni LJ Reyes na masaya siya sa piling ni Paolo Contis.
Si LJ at Paolo ay may isang anak na babae na nagngangalang Summer.