--> Isang Batang Nag-aararo Para Makatulong sa Pamilya, Nagpaluha sa mga Netizens Dahil Dito... | ChikaTime

Isang Batang Nag-aararo Para Makatulong sa Pamilya, Nagpaluha sa mga Netizens Dahil Dito...

 Isang kwento ng isang bata ang talagang nagpaluha sa maraming netizens. Ang batang ito ay kinilala bilang si Reymark Mariano na napanood ka...

 Isang kwento ng isang bata ang talagang nagpaluha sa maraming netizens. Ang batang ito ay kinilala bilang si Reymark Mariano na napanood kamakailan sa Kapuso Mo, Jessica Soho. 

Akalain mo nga naman na sa edad na 10, nag-aararo na at nagsasaka na si Reymark kasama ang kanyang lolo.


Ayon sa naging kwento ni Reymark ay bata pa lamang siya ay kasa-kasama na siya noon ng ama sa pag-aararo. 


Sa kakapanood niya nito ay natuto na rin siya nito hanggang sa sumapit ang edad niyang pito at sinubukan na rin niya ang pagsasaka. 



Dagdag kwento pa ni reymark na sa kasamaang palad, naar3st0 ang kanyang ama na kasalukuyan nang nasa piitan kaya naman siya na ang kasa-kasama naman ng kanyang lolo upang maghanapbuhay. 



Sa tulong ng kanilang kabayo na si "Rabanos" inarao ni Reymark ang kanilang sakahan ng labanos. Hindi na raw kasi ito kaya ng kanyang lolo na bukod sa may edad na at nanghihina, may kalabuan na rin umano ang paningin nito. 


Aminado naman si Reymark na  napapagod na rin siya sa kanyang gawain ngunit pilit niya itong kinakaya para sa lang may makain ang kanyang pamilya. 

 

Samantala, sa tulong ng programang KMJS, nabiyayaan ang pamilya ni Reymark na labis niyang ikinatuwa. Aniya, malaking tulong ito sa kanila kaya labis nila itong ipinagpapasalamat. 


 Reaksyon ng Netizens:









Panoorin ang video:

Anong masasabi mo kaugnay sa dinanas ng batang ito? Huwag mag atubiling mag-iwan ng komento.