Nalalapit na ang competition ng ika-69th Miss Universe kaya naman ay hindi mapipigilan na mapag-usapan ang pambato ng ating bansa na si R...
Nalalapit na ang competition ng ika-69th Miss Universe kaya naman ay hindi mapipigilan na mapag-usapan ang pambato ng ating bansa na si Rabiya Mateo.
Agad na naging laman sa social media ang naging pahayag ni former Miss Universe Gloria Diaz kaugnay kay Rabiya Mateo.
Matatandaang si Gloria Diaz ang kauna-unahang Pilipina na nagwaging Miss Universe noong 1969.
Hindi ikinakaila na hanggang ngayon ay pinahahalagahan ng marami ang kanyang opinyon at obserbasyon tungkol sa mga kandidatang ipinapadala ng ating bansa sa nabanggit na international beauty pageant.
Batay sa interview na naganap, ang reaksiyon ng former Miss Universe sa report ng isang pageant website na number one na ang Pilipinas sa pinakamaraming nakuhang international crowns at placements ang itinanong sa kanya.
“Happy! At least, hindi lang tayo sa COVID number one, di ba?” ang sagot ni Gloria.
“Kasi pwedeng tayo na siguro ang pinakamadaming Miss Universe. For how many years?
“Forty-five years, tapos sunud-sunod na ngayon. Viva La Filipina!”
"Maganda naman si Rabiya talaga," sabi ni Gloria.
Sa tingin niya ba ay maiuuwi ni Rabiya ang Miss Universe crown?
"I can never tell, but she is really deserving," sagot ni Gloria.
“Maganda siya. Actually, ang dami kong nakikitang photos niya and she seems to be a very nice girl."
"Alangan naman sabihin ko pangit siya, ‘no?" dagdag hirit pa ni Gloria
42 years ang lumipas bago nanalong Miss Universe si Pia Wurtzbach noong 2015 .
Si Rabiya Mateo ang pambato ng ating bansa sa 69th Miss Universe na magaganap sa May 16, 2021.
Anong masasabi mo kaugnay sa usaping ito? Ikaw,bet mo bang manalo si Rabiya Mateo? Huwag mag atubiling mag-iwan ng komento.