Agaw atensyon ngayon sa social media ang isang interview kay dating PBB teen housemate na si Seth Fedelin na kung saan ay may rebelasyon ...
Agaw atensyon ngayon sa social media ang isang interview kay dating PBB teen housemate na si Seth Fedelin na kung saan ay may rebelasyon ito tungkol kay Andrea Brillantes.
Deretsahang ibinuking ni dating PBB teen housemate na si Seth ang mga hinhinging regalo na gusto sanang matanggap ng aktres na si Andrea Brillantes .
Sa panayam sa kanila ni Toni Gonzaga ay ikinuwento ni Seth ang mga pinaghihingi noon ni Andrea na talagang ikinagulat niya ng lubos lalo na’t hiniling niya ito sa gitna ng pandemya.
Ayon naman kay Seth ay pinaalalahanan niya si Andrea na maging praktikal at wag manghingi ng magagarbong regalo.
Ilan sa mga hiningi daw ni Andrea ay isang ‘kabayo’ at blender na nagkakahalaga ng 50,000 pesos.
“Gusto niya pong regalo, kabayo, totoong kabayo talaga, ilalagay niya daw po sa bahay nila,” pagbubunyag ni Seth.
“’Yung blender na ‘yan, 50k po yung presyo. So, sabi ko sa kaniya, ‘ECQ ngayon, maging praktikal muna tayo. Saka na yung blender blender na ‘yan. Pwede ka naman bumili nu’ng standard lang na blender,” dagdag niya pa.
Nilinaw naman ni Andrea na maliit lamang na breed na kabayo ang kanyang gusto na kung tawagin ay “pony”.
Kaya naman daw umabot ng 50,000 ang nasabing blender ay ‘yun daw kasi ang mga ginagamit sa mga coffee shop.
Gayunpaman ay itinanggi ni Seth na nagiging maluho na si Andrea, pero gustong gusto daw talaga ng aktres na makatanggap ng nasabing blender.
Marami sa mga fans ang naw1ndang sa pag-amin na ito ni Seth dahil hindi nila inakala na ganito pala si Andrea Brillantes.
Panoorin ang mga rebelasy0n na ito:
Anong masasabi mo kaugnay sa panghihingi ni Andrea ng mga mamahaling regalo? Isa ka ba sa fans ng Gold squad? Huwag mag atubiling mag-iwan ng komento.