Naging laman sa social media ngayon ang sinabi ni Danica Sotto sa kanyang social media na kung saan ay ibinunyag niya ang kanilang hindi p...
Naging laman sa social media ngayon ang sinabi ni Danica Sotto sa kanyang social media na kung saan ay ibinunyag niya ang kanilang hindi pagkakaintindihan ng kanyang ina na si Dina Bonnevie.
Inamin ni Danica Sotto na dati ay nagkaroon siya ng maraming hindi pagkakaunawaan sa kanyang ina na si Dina Bonnevie, noong siya ay teenager pa.
Sa kanyang bukas na liham, na nai-post sa social media dito ay isiniwalat ni Danica ng tungkol sa kanyang relasyon sa kanyang ina.
"Strong, smart and beautiful. That’s our Mama. We would often have misunderstandings when I was a teenager because I didn’t like her rules and didn’t understand her way of discipline," pagbabahago nito
Ayon kay Danica, naramdaman niya na ang kanyang ina ay "too strict" at "old school"
"Feeling ko she was too strict. Sabi ko, old school na yan. Little did I know that her pieces of advice would one day be my guide. I’m thankful because she has taught us how to be strong."
Sinabi pa ni Danica na kahit hindi isang perpektong ina si Dina ay ginawa naman niya ang kanyang makakaya sa pagpapalaki sa kanila.
"Of course she’s not a perfect Mom, she also has her shortcomings but she did her best in raising us. “
"When I feel challenged sa parenting, sa business at iba pa, I can actually hear her voice in my head... pinapalakas ang loob ko. I’m happy that I’m able to apply everything that she has taught me." saad pa nito
Sa pagtatapos ng kanyang post, ibinahagi ni Danica ang kanyang mga napagtanto pagdating sa pagiging isang ganap ka ng magulang at pagkakaroon ng iyong sariling mga anak.
"Yung disiplina ng isang iba or magulang ay para sa ating mga anak yun. We may not understand at first but it will all make sense when we get older. More so when you become a parent. You’ll know how much they sacrificed because they love you."
Hindi naman mapigilan ng mga netizens na magbigay ng kanilang reaksyon sa inihayag na ito ni Danica at maging ang kanyang ina na si Dina Bonnevie ay nagkomento sa inihayag niyang ito.
Reaksyon ng ilang netizens: