Talagang hindi inaasahan ng news anchor ng ABS-CBN na si Bernadette Sembrano ang bagay na ito na kanyang nalaman. Gulat ang naramdaman ni ...
Talagang hindi inaasahan ng news anchor ng ABS-CBN na si Bernadette Sembrano ang bagay na ito na kanyang nalaman.
Gulat ang naramdaman ni Bernadette Sembrano-Aguinaldo matapos niyang magpositibo sa COVID-19.
Kwento ni Bernadette ay nagulat siya kung saan niya nakuha ang v1rus o kung kanino siya nahawa.
Sa Instagram post ng ‘TV Patrol’ anchor, sinabi nito na wala siyang nararamdamang sintomas nang magpa-RT-PCR test na kailangan para sa trabaho.
“I just wanted to inform you that I tested positive for COVID. Nagulat din po ako. Kasi wala akong nararamdaman at all. In fact, I feel healthy. Wala pong symptoms. Pero meron kaming mandatory RT-PCR test sa work, so when it came out, nawindang din ako,” saad ni Sembrano.
Nangangamba si Sembrano dahil marami pang kagaya niya na asymptomatic ngunit hindi nate-test kaya nakakahalubilo pa sa ibang tao.
Dahil dito’y hinimok ng mnamamahayag ang publiko na magpabakuna para makaiwas sa naturang sakit.
“Magpa-vaccinate na rin tayo. I still believe that we can thrive and outsmart the virus. Alam naman natin yung gagawin natin e. Nakalusot pero sa awa ng Diyos na-test agad at nakapag-isolate agad,” aniya pa.
“So let's just really pray for the best. I'm praying for you, please pray for us too."
"Kaya natin ‘yan. You take care and God bless you."
“So, keep on praying. Sa panahon ngayon, hindi natin kaaway ang isa't isa." dagdag sabi
Anong masasabi mo kaugnay sa usaping ito? Huwag mag atubiling mag-iwan ng komento.