Halos lahat na mga celebrity ngayon ay sumasabak na sa paggawa ng vlogs. Isa si Angeline Quinto sa mga celebrity na pinasok na din ang vlogg...
Halos lahat na mga celebrity ngayon ay sumasabak na sa paggawa ng vlogs.
Isa si Angeline Quinto sa mga celebrity na pinasok na din ang vlogging sa Youtube.
Ibinabahagi na rin ni Angeline ang kanyang ibat’t ibang activity na pinagkaka-abalahan niya sa panahon ngayon.
Talaga namang naghatid ng saya ang vlog ni Angeline na kanyang ibinahagi sa kanyang youtube channel.
At kamakailan nga lang ay isang nakaka-aliw na video ang kanyang ibinahagi.
Sa kanyang vlog na may title na, “Cooking With A twist (English Only Policy)” ay nagluto siya ng miryendang madali lang gawin.
Ang kanyang vlog na ito ay kinaaliwan siya ng mga manonood hindi dahil sa kanyang mga hinandang pagkain kundi dahil sa pagsasalita niya ng Ingles.
Gumawa siya ng lumpiang togue at Mais con yelo habang nagbibigay ng instructions sa salitang Inggles.
Ipinaliwanag din ni Angeline na sa bawat tagalog words na mababanggit niya ay kinakailangan niyang magbayad ng bente pesos.
At ang maiipon na pera ay kanyang ibibigay sa kanyang kasama sa bahay.
Hindi ikinahiya ni Angeline na nahihirapan siya magsalita ng english.
Aniya, hindi mahirap ang magluto. Ang mahirap lamang ay ang challenge na bawal siyang magsalita ng Tagalog.
Habang hirap na hirap sa pagi-ingles, sinabi ni Angeline na mauubusan siya ng pera nang dahil sa challenge na ito.
Makikitang talagang nagsikap si Angeline na makapagsalita siya ng english.
Marami sa mga manood ang natuwa kay Angeline nang wala ng mabanggit na salitang ingles, dinaan na lang ni Angeline sa pagkanta ang nais niyang sabihin.
Aliw na aliw naman ang mga manonood sa videong ito ng singer actress.
Reaksyon ng mga Netizens:
Panoorin ang video:
Anong masasabi mo kaugnay nito? Isa ka ba sa naaaliw kay Angeline Quinto? Huwag mag-atubiling mag-iwan ng komento.