--> Ama at sanggol na Nakikipagsapalaran sa Gitna ng kalsada Upang May Makakain,Umantig sa puso ng Netizen | ChikaTime

Ama at sanggol na Nakikipagsapalaran sa Gitna ng kalsada Upang May Makakain,Umantig sa puso ng Netizen

  Sa hirap ng buhay natin ngayon ay hindi talaga maiwasang may mga kapwa tao tayo na mas lalong naghihirap lalo na sa panahon ngayon na pand...

 

Sa hirap ng buhay natin ngayon ay hindi talaga maiwasang may mga kapwa tao tayo na mas lalong naghihirap lalo na sa panahon ngayon na pandemya.


Marami sa atin ang nawalan ng trabaho at patuloy pa rin nagsusumikap upang mabigay natin ang pangangailangan ng ating pamilya.


Gaya na lamang ng isang amang ito na sa hirap ng buhay ay pilit pa rin nakipagsapalaran sa daan upang may makain ang kanyang pamilya.


Isang motovlogger ang nagbahagi sa kwentong ito na tila naging hulog ng langit siya para sa kaawa-awang mag-ama na nadaanan niya sa kahabaan ng Ortigas Avenue.



Makikita natin sa video ang isang lalakeng karga-karga ang kawawang bata. Ito ang nadaanan  ng isang motovlogger at pumukaw ng kanyang atensyon. 


Dahil sa nakita niya, nagalala ito sa lagay ng bata kaya agad siyang huminto sa byahe para tulungan ito.




Nang lapitan niya ang mag ama ay tila natak0t ito lalo nang tanungin niya kung anak ba ng lalake ang karga-karga niyang bata, dahilan para ito'y lumakad papalayo.


Ngunit sa kagustuhang matulungan ang kawawang paslit at kanyang ama, pinilit nitong kumbinsihin na makipagusap at sinabing gusto niya lang itong bigyan ng pang gatas.



Hindi nagtagal ay napapayag na ang mag ama na tumabi saglit para makausap ito ng netizen.
Dito ay kinilala niya ang lalaki na nagngangalang Jayson at napagalaman na ang bitbit na bata ay pangatlo sa kaniyang anim na anak..


Ang kawawang tatay ay  makikita na may hawak itong ilang pirasong Sampaguita upang maibenta. Ngunit sa hitsura at estado nito ay napakalabong may bumili pa nito. 


Dahil sa awa ay tinulongan ito ng netizen at inabot sa lalaki ang halagang 3 libong piso na tiyak na napakalaking tulong para sa pamilya ni Jayson upang makabili ng gatas at pagkain at makaraos ng ilang araw.


Makikita naman ang saya sa mata ni tatay at ito ay labis na nagpasalamat.


Ibinahagi ng netizen Sa Facebook page na Denso tambyahero,  ang kanyang naging karanasan habang siya ay nasa kalagitanaan ng byahe gamit ang kaniyang motorsiklo.

 

 

Panoorin ang video: