Dahil sa mga lockdown ay nauuso ang pagbili ng pagkain sa pamamagitan ng internet. Ilan sa mga kilalang food delivery service ay Grab food, ...
Dahil sa mga lockdown ay nauuso ang pagbili ng pagkain sa pamamagitan ng internet. Ilan sa mga kilalang food delivery service ay Grab food, Lalafood at Food Panda.
Kamakailan lang ay nag viral ang ibinahaging video ng isang grab driver na maghahatid ng order na lugaw ng kanyang customer kung saan ay sinita siya ng kawani ng Barangay dahil sa ipinatutupad na curfew.
Agad itong nag viral at naging usap-usapan pa rin hanggang ngayon.
Matapos umani ng matinding pambabatikos mula sa publiko, minabuti ni Punong Barangay Marciano G. Gatchalian ng Barangay Muzon San Jose Del Monte, Bulacan na pormal na humingi ng dispensa.
Sa isang video na ibinahagi ng Facebook Page ng Barangay Muzon, sinabi ni Gatchalian na palagi niyang pinapaalalahanan ang mga kawani ng barangay ng tamang pakikitungo sa kanilang mga nasasakupan.
Kasunod nito, pormal ding humingi ng paumanhin si Phez Raymundo, ang babaeng kawani ng barangay na sumita sa Grab rider kaugnay sa delivery nito na lugaw.
“Kung na-offend ka sa aking nabanggit, ako ay humihingi ng paumanhin, kasama na rin po doon sa may-ari ng establishment at mga grab drivers."
Maging ang dalawang lalaking naghatid ng dokumento sa lugawan kung saan nagtatrabaho si Marvin Ignacio ay humingi din ng dispensa.
Ito ay matapos muling mabatikos kasunod ng ibinahaging Facebook live ni Ignacio kung saan sinabi niyang labis siyang nangamba para sa kanyang kaligtasan.
Anong masasabi mo kaugnay nito?WATCH: Phez Raymundo, kawani ng Brgy. Muzon, San Jose del Monte City, Bulacan, humingi na ng paumanhin matapos mag viral ang video nito dahil sa ‘lugaw’ | š¹: Brgy. Muzon pic.twitter.com/pXf6AmtjzT
— DZRH NEWS (@dzrhnews) April 2, 2021