Usap-usapan online ang isang kakaiba at pambihirang kondisyon ng 17-anyos mula sa Indonesia na si Siti Raisa Miranda o mas kilala bilang ...
Usap-usapan online ang isang kakaiba at pambihirang kondisyon ng 17-anyos mula sa Indonesia na si Siti Raisa Miranda o mas kilala bilang "Echa" kung saan nakakatulog siya sa loob ng ilang araw nang walang gisingan.
Ang kakaibang medical condition na ito ni Echa ay tinatawag na Kleine-Levin syndrome (KLS) o mas kilala sa tawag na "Sleeping Beauty Syndrome."
Talagang nakakatulog si Echa ng umaabot ng ilang linggo gaya kay Sleeping Beauty, .
Ayon sa panayam ay aktibo pa ang dalagita sa kanyang pag-aaral at nitong Abril 10 ay muling nakatulog si Echa at ilang araw na ang lumipas ay di pa rin ito nagigising.
Dahil sa pangamba ng pamilya at para sigurado, dinala pa rin ang dalagita ng kanyang ina sa ospital upang masuri kung may iba pa itong karamdaman.
Subalit dahil sa normal naman ang lahat base sa isinagawang test sa kanya, pinauwi na rin siya ng doktor, ay sa bahay na lamang siya pinatulog.
Ayon sa report ay nitong taong 2017 nang unang makatulog ng matagal si Echa. Inabot ito ng 13 na araw bago siya ay magising na tila hindi alam ang nangyari.
Wala pa mang nakikitang lunas para sa kondisyong ganito.
Panoorin ang video/choose your desired subtitles:
Anong masasabi niyo sa usaping ito? Huwag mag atubiling mag-iwan ng komento.