--> Umaantig sa mga Puso ng Netizens ang Heart-to-Heart Talk ni Derek Ramsay sa kanyang Anak na si Austin ! | ChikaTime

Umaantig sa mga Puso ng Netizens ang Heart-to-Heart Talk ni Derek Ramsay sa kanyang Anak na si Austin !

   Si Derek Ramsay ay tila pinagpala sa taong ito talaga. Natagpuan ng aktor ang  pag-ibig sa aktres na si Ellen Adarna at ngayon ay sila ay...

 

 Si Derek Ramsay ay tila pinagpala sa taong ito talaga. Natagpuan ng aktor ang  pag-ibig sa aktres na si Ellen Adarna at ngayon ay sila ay engaged na. 

Ngayon ay naging usap-usapan sa social media ang naging heart to heart talk nina Derek at sa kanyang anak na si Austin Ramsay.  

Ang relasyon ngayon ni Derek sa kanyang anak ay tila mas maganda na kaysa dati.





 
Nag-post si Derek ng isang video sa na makikita silang dalawa ng kanyang anak na parang isang taos-pusong pag-uusap sa tabi ng pool.


Sa video ay makikita na matapos mag-usap ang mag-ama ay tumayo silang pareho mula sa kanilang pwesto at sinenyasan ni Derek si Austin na yakapin siya. 


Mahigpit na nagyakapan ang dalawa . Makikitang talagang mahigpit ang yakap sa bawat isa at si Derek na mukhang emosyonal. 

Nang makaupo na sila, tila napuno ng emosyon si Derek at agad na lumuha.


Marami sa mga netizens ang naatig ang kanilang puso nang makitang umiyak si Derek nang tawagin itong "Dad".



 

"He called me Dad!"

 "Thank you Lord for showering me with your love and blessings! @din_g thank you for capturing this moment. I will always remember this special day. I can truly say my life is perfect now. love you @austinn_ramsay" 


 

Panoorin:


 

Anong masasabi mo kaugnay sa artikulong ito? Huwag mag atubiling mag-iwan ng komento.